Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 9/15 p. 31
  • “Hindi Abot ng Siyensiya”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Hindi Abot ng Siyensiya”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 9/15 p. 31

“Hindi Abot ng Siyensiya”

“Kailangang pabulaanan natin ang paniwala ng maraming siyentipiko na ang siyensiya ang sa wakas magpapahayag ng pinaka-ultimong katotohanan tungkol sa lahat ng bagay,” ang sabi ng Nobel laureate na si Sir John Eccles, isang payunir sa pananaliksik tungkol sa utak. Bilang mga ilang halimbawa, kaniyang sinasabi na sa pamamagitan ng pagkatuto ng higit pa tungkol sa utak, “maraming mga siyentipiko at mga interpreter ng siyensiya . . . ang nangangatuwiran na balang araw ang siyensiya ay magpapaliwanag ng mga halaga, kagandahan, pag-ibig, pagkakaibigan, mga aesthetics at katangian ng panitikan.” Subalit, bilang pagtatapos na sabi ni Eccles, “ang ganiyang paniwala ay wala kundi isang pamahiin.” Ang mga pangunahing tanong tungkol sa buhay (Sino ako? Bakit ako naririto? at iba pa) “ay pawang mga hiwaga na hindi abot ng siyensiya,” ang isinusog ni Eccles. Kaniyang ipinagugunita sa atin sa ganiyang paraan na ang malaking bahagi ng tinatawag na siyensiya ngayon ay talagang nakasalig sa mabuway na kaisipan ng tao.

Isinulat ng salmista: “Mas mabuti ang manganlong kay Jehova kaysa magtiwala sa makalupang tao.” (Awit 118:8) Bakit ito totoo? Ang isang dahilan ay sapagkat ang siyensiya ay hanggang dito lamang sa materyal na daigdig. Subalit si Jehova ay may walang hanggang kaalaman at nagbibigay sa atin ng kasiya-siyang mga paliwanag tungkol sa ating pinagmulan, sa ating kayarian bilang tao, at sa ating layunin sa buhay. (Genesis 1:26-28; 2:4; Eclesiastes 12:13) Gayumpaman, sinasabi ng Bibliya na may mga bagay na hindi talagang mauunawaan ng tao. (Awit 139:1-6; Roma 11:33) Kung gayon, huwag nating labis na pahalagahan ang nagagawa ng siyensiya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share