Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 10/15 p. 31
  • Pang-araw-araw na Teksto Para sa Oktubre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pang-araw-araw na Teksto Para sa Oktubre
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 10/15 p. 31

Pang-araw-araw na Teksto Para sa Oktubre

16 Isinaayos ng Diyos ang katawan, . . . upang huwag magkaroon ng ano mang kaguluhan sa katawan, kundi upang ang mga sangkap ay magkaroon ng malasakit sa isa’t-isa.​—1 Cor. 12:24, The Riverside New Testament. b 1/15/85 10, 11

17 Kung tungkol sa mabuting lupa, ito yaong, pagkatapos mapakinggan ang salita na taglay ang pusong matimtiman at mabuti, iniingatan iyon at nagbubunga nang may pagtitiis.​—Luc. 8:15. b 2/1/85 8, 9a

18 Nang makalabas na siya, nakakita siya ang isang lubhang karamihan ng tao, ngunit siya’y nahabag sa kanila, sapagkat sila’y gaya ng mga tupa na walang pastol. At kaniyang sinimulang turuan sila ng maraming bagay.​—Mar. 6:34. b 2/15/85 15, 16a

19 May leon na umuungal! Sino ang hindi matatakot? Ang Soberanong Panginoong Jehova mismo ang nagsalita! Sino ang hindi manghuhula?​—Amos 3:8. b 1/1/85 4, 5

20 Lubusang ganapin mo ang iyong ministeryo.​—2 Tim. 4:5. b 6/15/85 14-16a

21 Nagpapakaingat na . . . huwag magkaroon ng sino mang mapakiapid ni sino mang hindi nagpapahalaga sa mga bagay na banal, tulad ni Esau, na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang karapatan bilang panganay.​—Heb. 12:15, 16. b 5/15/85 22-24

22 Kayo’y manatiling mahinahon, maging mapagbantay. Ang inyong kalaban, ang Diyablo, ay gagala-gala na gaya ng leong umuungal, humahanap ng masisila.​—1 Ped. 5:8. b 4/15/85 1, 2

23 Kaniyang . . . pinagbukud-bukod ang mga alagad . . . , sa araw-araw ay nagpapahayag sa auditoryum ng paaralan ni Tirano.​—Gawa 19:9. b 5/1/85 3-5a

24 Anong laki ng pag-ibig ko sa inyong kautusan! At siya kong pinagkakaabalahan buong araw.​—Awit 119:97. b 3/1/85 4a

25 Lahat ng nasa sanlibutan​—. . . ang mapasikat na pagpaparangalan ng kabuhayan​—ay hindi mula sa Ama, kundi mula sa sanlibutan.​—1 Juan 2:16. b 4/1/85 10, 14

26 Sang-ayon sa iyong pananampalataya mangyari nawa iyon sa iyo.​—Mat. 9:29. b 7/1/84 19a

27 Ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng mabuting balita.​—Fil. 1:12. b 6/15/85 15, 16

28 Patuloy na sawayin mo sila nang may kahigpitan, upang sila’y mapanuto sa pananampalataya, na huwag makinig sa mga katha-katha ng mga Judio at sa mga utos ng mga tao na nagsisihiwalay sa katotohanan.​—Tito 1:13, 14. b 5/15/85 12-14a

29 Siyang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsasabi, “Oo; ako’y papariyan nang madali.” “Amen! Pumarito ka, Panginoong Jesus.”​—Apoc. 22:20. b 6/1/85 11-15

30 Sa lahat ng bagay ay nakibagay ako sa lahat ng uring mga tao, upang sa lahat ng paraan ay mailigtas mo ang ilan.​—1 Cor. 9:22. b 7/15/84 17, 18a

31 Ayon sa pagkakapantay-pantay, ang inyong kasaganaan ngayon ay maging abuloy sana sa kanilang kakulangan.​—2 Cor. 8:14. b 8/1/84 16-18a

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share