Pang-araw-araw na Teksto Para sa Nobyembre
16 Ang aking mga lingkod ay masayang magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso. Ngunit kayo’y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso at kayo’y aangal dahil sa ganap na pagkabagbag ng kalooban.—Isa. 65:14. b 11/15/84 17, 18a
17 Siyang magtiis hanggang wakas ang maliligtas.—Mar. 13:13. b 5/15/85 18, 19b
18 Magpakasanggol kayo sa kasamaan; gayunma’y sa kapangyarihang umunawa ay magpakatao kayong lubos.—1 Cor. 14:20. b 4/1/85 16, 17a
19 Ngayon ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari ukol sa lalong ikasusulong ng mabuting balita imbis na yaong kabaligtaran.—Fil. 1:12. b 6/15/85 15, 16
20 Hindi isang lalaking bagong kakukumberte, baka siya’y magmataas at magpalalo at mahulog sa iginawad na kaparusahan sa Diyablo.—1 Tim. 3:6. b 4/15/85 5, 6
21 Siya’y hindi nagkasala, o nasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig.—1 Ped. 2:22. b 5/1/85 10, 11
22 Manatiling laging handa, sapagkat sa oras na hindi ninyo sukat akalain ay darating ang Anak ng tao.—Luc. 12:40. b 6/1/85 1, 3, 4a
23 Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran.—Mat. 6:33. b 7/1/84 17, 18, 20a
24 Sila’y hindi mananakit o lilikha ng anomang pinsala sa aking buong banal na bundok; sapagkat ang lupa ay mapupuno nga ng kaalaman tungkol kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa mismong dagat.—Isa. 11:9. b 9/15/84 19, 20a
25 Ingatan ang pagkakaisa ng espiritu sa tagapagkaisang-buklod ng kapayapaan.—Efe. 4:3. b 8/1/84 1, 2a
26 Sila ang idinadalangin ko, . . . upang silang lahat ay maging isa, gaya mo Ama, na kaisa ko at ako’y kaisa mo, upang sila rin naman ay makaisa natin, upang ang sanlibutan ay maniwala na ako’y sinugo mo.—Juan 17:20, 21. b 9/1/84 10-12
27 Hayaang ang matatandang lalaki ay maging mapagpigil, seryoso, mahinahon ang isip.—Tito 2:2. b 10/15/84 7, 8a
28 Kami . . . ay hindi humihinto ng pagdalangin alang-alang sa inyo at ng paghingi na kayo’y mapuno sana ng tumpak na kaalaman ng kaniyang kalooban.—Col. 1:9. b 11/1/84 11, 12
29 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga paalaala, at huwag sa kasakiman.—Awit 119:36. b 12/15/84 5, 6a
30 Narito, ang dati nang inihulang mga mangyayari ay nangyari na.—Isa. 42:9, The Jerusalem Bible. b 10/1/84 1, 2a