Hindi Siya Makapaniwala na Masisiyahan Siya sa Pagbabasa Nito
Isang babaing taga-Pennsylvania ang sumulat: “Kung mayroong magsasabi sa akin na puede akong bumasa ng isang aklat sa ebolusyon at talagang masarapan ko iyon, sasabihin ko, ‘Hindi, makalibong hindi!’” Subalit, pagkatapos na kaniyang mabasa ang Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, isang magandang aklat na maraming larawan at bago, kaniyang sinabi:
“Ipinaliwanag ninyo sa pananalitang napakadaling maintindihan ang isang bagay na nahirapan akong maintindihan sa tanang buhay ko. Ang aklat na ito ay isinulat sa paraan na kaakit-akit sa mga taong ang puso’y nakahilig sa matuwid sila man ay mga ebolusyunista o creationista. . . .
“Ang ilan sa mga puntong tinalakay ay natatandaan ko na natutuhan ko sa Science at Biology class, subalit hindi sa paraan na aakay ito na magpahalaga ako sa ating Maylikha. Ang lalo nang nagustuhan ko ay ang mga kabanatang ‘Our Awesome Universe,’ ‘The Amazing Design of Living Things,’ at ‘Who Did It First?’”
Tatanggap kayo ng 256-pahinang aklat na ito kung susulatan ninyo at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba kalakip ang kontribusyon na ₱35.00 lamang.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Ako’y naglakip ng ₱35.00.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
NASA photo