Palatandaan ng Pagguho ng Moral
SANG-AYON sa mga sosyologo ang kasalukuyang lumulubhang pagguho ng moral ay may sarisaring dahilan. Subalit, hustung-husto ang pagkatukoy ni Cunningham Geikie, isang iskolar sa Bibliya noong ika-19 na siglo, kung alin ang dapat sisihin. May katusuhan na binanggit niya na “sa tuwina’y totoo na ang karakter ng relihiyon ng isang bansa ay isang palatandaan sa kalusugan at lakas ng isang bansa.” Kapuna-puna, sa Banal na Bibliya ay inilalarawan ang huwad na relihiyon bilang isang patutot na sa kaniyang noo ay may karatula—“Babilonyang Dakila.” Hawak niya ang isang gintong kopa na punô ng mga bagay na kasuklam-suklam at karumal-dumal dahil sa kaniyang pakikiapid. Maliwanag na ang kaurian ng maka-Babilonyang huwad na relihiyong ito ang tunay na sanhi ng kasalukuyang umiiral na malaganap na imoralidad at kabalakyutan.—Apocalipsis 17:1, 2, 4, 5, 15.