Patalastas ng Taunang Pulong—Oktubre 4, 1986
ANG TAUNANG PULONG ng mga miyembro ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania sa Oktubre 4, 1986, ay gaganapin sa Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, 2932 Kennedy Boulevard, Jersey City, New Jersey. Ang isang patiunang pulong ng mga miyembro lamang ay gaganapin sa alas 9:30 ng umaga, susundan ng pangkalahatang taunang pulong sa alas 10:00 ng umaga, Sabado, Oktubre 4, 1986.
Pasasalamatan kung ang mga miyembro ng Korporasyon ay magbibigay-alam sa Tanggapan ng Kalihim ng anomang pagbabago sa kanilang mga direksiyon sa koreo noong nakalipas na taon upang ang regular na mga liham na patalastas at mga proxies ay matanggap nila pagkatapos ng Agosto 15.
Ang mga proxies, na ipadadala sa mga miyembro kasama ng patalastas ng taunang pulong, ay ibabalik upang makarating sa Tanggapan ng Kalihim ng Society hindi lalampas sa Setyembre 1. Gaya ng alam ng bawat miyembro, kailangang kaniyang makompleto at maibalik ang kaniyang proxy nang nasa tamang panahon, na doo’y sinasabi niya kung siya’y dadalo nang personal o sa pamamagitan ng isang kinatawan. Ang impormasyon na dapat isulat sa bawat proxy ay kailangang tiyak sa puntong ito, sapagkat ito ang pagbabatayan sa patiunang pagpapasiya kung sino ang aktuwal na dadalo.
Inaasahan na ang buong sesyon, kasali na ang pormal na business meeting at mga pag-uulat, ay matatapos sa ganap na ala-1 ng hapon o di-gaanong kalayuan diyan. Hindi magkakaroon ng panghapong sesyon. Dahilan sa limitadong espasyo, yaon lamang may mga tiket ang tatanggapin. Walang kaayusan na ang taunang pulong na ito ay ikukunekta sa mga linya ng telepono sa mga ibang lokasyon.