Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 8/15 p. 32
  • Paano Ninyo Itinutuwid ang Inyong mga Anak?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ninyo Itinutuwid ang Inyong mga Anak?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 8/15 p. 32

Paano Ninyo Itinutuwid ang Inyong mga Anak?

HINDI madali iyan, gaya ng marahil sasang-ayunan ng karamihan ng magulang. Ang mga magulang ng mga batang edad 10 at 7 anyos ay nagbibida kung paanong ang aklat na Pakikinig sa Dakilang Guro at Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito ay naging isang malaking tulong.

“Pagka kailangan na ituwid ang aming mga anak,” sabi nila sa sulat, “sila’y aming kinakausap at inaalam kung ano baga ang problema, halimbawa, marahil yaong hindi pagpapakita ng pag-ibig sa isang anak o pagkukulang ng paggalang sa amin bilang mga magulang. Pagkatapos ay sinasabi namin na humayo sila at magbasa, sa kani-kanilang kuwarto, ng isang angkop na kabanata buhat sa dalawang aklat na ito. Amin ding hinihiling sa kanila na hanapin ang mga ilang teksto at basahin ang mga ito.”

At ang resulta? “Paglabas nila sa kuwarto ay sinasabi nilang sila’y natapos na at handang repasuhin ang kabanata at ang mga teksto sa harap nina Itay at Inay, at anong laking pagbabago!” Tungkol sa kanilang siete-anyos na anak, na may matatag na kapasiyahan, ganito ang sabi nila sa sulat: “Bagamat kung minsan siya’y galit na nagpapapadyak patungo sa kaniyang kuwarto, pagkatapos ay lalabas siyang nakangiti at nagsasabi, ‘Naisip ko na ako’y nagkamali. Ikinalulungkot ko!’”

Kung kayo ay isang magulang o may nakikilalang mga magulang na nangangailangan ng tulong sa pagdisiplina sa kanilang mga anak, bakit hindi kumuha ng mga aklat na ito na mura lamang naman? Tunay na ang mga ito’y isang malaking tulong sa pagpapalaki ng mga anak.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang, 192-pahinang aklat na Pakikinig sa Dakilang Guro at Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Ako’y naglakip ng ₱28.00.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share