‘Isang Kayamanan na Maireregalo’
Ganiyan ang pagkasabi ng isang 15-anyos na estudyante sa high school, taga-Ohio, E.U.A. tungkol sa publikasyon na, Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Ganito ang isinulat niya:
“Kung panahon ang kailangan sa paghahanda ng mabubuting bagay, marahil ay walang hanggan na panahon ang kinailangan upang mabuo ang aklat na ito na may magagandang ilustrasyon at madaling unawain. Ito’y totoong kabigha-bighani! Pinag-aaralan ko ang isang kabanata araw-araw at sana nga’y mayroon akong higit na panahon upang gamitin sa personal na pag-aaral ng kahanga-hangang aklat na ito.
“Gumawa na ako ng isang listahan ng mga kaibigan at mga guro na masisiyahan sa aklat na ito. Pagsisimula ng paaralan sa susunod na buwan, magkakapribilehiyo ako na ibahagi sa kanila ang aking kayamanan.”
Marahil ang damdamin ninyo tungkol sa bagong aklat na Creation ay gaya rin nitong sa mag-aarál na ito. May alam ba kayong sinuman na ibig ninyong bahaginan ng kayamanang ito? Bakit hindi siya padalhan ng isang regalong kopya? Magagawa ninyo ito sa pamamagitan ng basta pagsulat at paghuhulog ng kupon sa ibaba at maglakip lamang ng ₱35.
Pakisuyong magpadala, libre-bayad sa koreo, ng isang regalong kopya ng 256-pahinang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? at ng isang liham na nagpapaliwanag na ito’y isang regalo na galing kay ‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐ (pangalan mo). Ako’y naglakip ng ₱35.