Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 10/15 p. 32
  • Ang Pakinabang sa mga Ilustrasyon na Nagtuturo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pakinabang sa mga Ilustrasyon na Nagtuturo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 10/15 p. 32

Ang Pakinabang sa mga Ilustrasyon na Nagtuturo

Ang visual na mga ilustrasyon kadalasan na ay lalong epektibo kaysa nasusulat na salita sa pagtuturo ng importanteng mga ideya. Isang ina ang nagpapaliwanag kung paanong siya’y naaliw ng gayong ilustrasyon:

“Ang praktikal na mga ilustrasyon sa aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa ang lalung-lalo nang paborito ko dahilan sa angkop na angkop na malinaw na pagpopokus sa punto na tinatalakay.

“Gayunman, ang aking pagpapahalaga sa kahusayan ng mga ito ay lalong tumindi noong nakaraang Linggo nang isang miyembro ng aming pamilya ay maaksidente. Ang aming bunsong anak, si Aaron, ay nabalian ng kaniyang braso, at sinabi ng doktor na kailangan ang general anesthesia pang malunasan iyon. Samantalang ang aming anak ay inilalayo na, wari ko’y malalagutan ako ng hininga. Habang lumalakad ang oras, lalong nadaragdagan ang aking pagkabalisa.

“Nang magkagayo’y naisip ko ang isang ilustrasyon sa kabanata 11, sa pahina 100. Ang pinaka-buod ng caption ay, ‘Kung paano nga ang isang magulang ay papayag na mauuperahan ang kaniyang anak bagaman masakit iyon, ang Diyos din naman ay may mabuting dahilan na pansamantalang payagan ang mga tao na magdusa.’ Habang pinag-iisipan ko iyon nang paulit-ulit, nagkaroon ako ng kapayapaan ng Diyos, at nakapanatili akong mahinahon at nagtitimpi.”

Sa napakainam na aklat na ito ay mayroong mahigit na 150 ekselenteng mga ilustrasyon, karamihan ay nasa magagandang kulay. Sulatan at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba, kalakip ang ₱35.00, at tatanggap kayo ng inyong sipi.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng 256-pahinang, pinabalatang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Ako’y naglakip ng ₱35.00.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share