Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 1/1 p. 30-31
  • “Magtipun-tipon Kayong Sama-sama”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Magtipun-tipon Kayong Sama-sama”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Paglilimbag ng Literatura sa Bibliya Upang Gamitin sa Ministeryo
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Ang Kauna-unahan sa Nakalipas na Isang Daang Taon
    Gumising!—2000
  • Pangangalaga sa mga Pag-aari ng Panginoon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Pinapatnubayan ni Jehova ang Ating Pambuong-Daigdig na Pagtuturo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 1/1 p. 30-31

“Magtipun-tipon Kayong Sama-sama”

GANIYAN ang sinabi ni Jeremias samantalang ang kapahamakan ay nagbabanta sa sinaunang Jerusalem at Juda. Kailangang ang nagsisisi, tunay na mga mananamba kay Jehova ay apurahang tipunin para sa kaligtasan. Gayundin sa ngayon, ang apostatang Sangkakristiyanuhan ay halos papanaw na sa “isang malaking kasakunaan,” kasama ng buong pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. Bagama’t ang mga taon ay lumawig sapol noong 1914, nang ang klero ng Sangkakristiyanuhan ay lubusang sumuporta sa pagbububo ng dugo noong Digmaang Pandaigdig I, “ang mabangis na galit ni Jehova ay hindi humihiwalay” kung paanong hindi rin naman ito humiwalay noong panahon ng kahawig na yugto ng panahon ng paghahari sa Juda ng mga hari ng Juda buhat sa salaring si Manases hanggang sa walang sampalatayang si Zedekias. Para sa maaamo sa lupa kailangan nila ngayong hanapin si Jehova upang sila’y makaligtas.​—Jeremias 4:5-8; 2 Hari 24:3, 4; Zefanias 2:2, 3.

Paano nga isinagawa ang modernong-panahong pagbibigay-babala? Ang magasin na inyong binabasa ngayon ang isa sa epektibong instrumento. Patu-patuloy sapol noong 1879, ang magasing ito, tulad ng isang bantay na nasa kaniyang bantayang moog, ay tumatawag-pansin na sa napipintong pagbagsak ng huwad na relihiyon, na inilarawan ng Babilonya, at sa mapayapang Milenyong Paghahari ni Kristo na kasunod nito. (Isaias 21:6-12; Apocalipsis 20:2, 3; 21:1-4) Buhat sa unang labas nito na may 6,000 sipi sa Ingles, ito’y patuloy na lumawak hanggang sa Ang Bantayan​—Naghahayag ng Kaharian ni Jehova ngayon ay mayroong pangglobong sirkulasyon na 12,315,000 sipi sa 103 na mga wika. At, ang format nito ay higit pang pinagbuti habang tumatagal. Ngayon ay nakalimbag ito sa apat na kulay sa 21 wika, subalit may mga iba pang edisyon na totoong kaakit-akit, at naaayon sa mahalagang misyon ng magasin.

Sa paglaki ng produksiyon, kinailangan na maging desentralisado ang paglimbag, kaya ngayon ito ay ginagawa ng mga pabrikang pinaaandar ng Samahan sa 35 mga sangay sa labas ng Estados Unidos. Isa pa, mula Enero 1987, ang mga edisyon ng aming kasamang magasing Gumising! na limbag sa Estados Unidos, Brazil, Britaniya, Canada, Denmark, Finland, Alemanya, Italya, at Hapón ay lilimbagin sa apat na kulay. Sa Estados Unidos ito ay naging posible dahilan sa instalasyon ng tatlong MAN-Roland high-speed rotary magazine presses sa palimbagan ng Watchtower Farms sa Wallkill, New York.

Ang sangay ng Samahan sa Hapón ay gumagamit din ng tatlong high-speed presses sa paglimbag ng mga Bibliya, aklat, at magasin sa mga ilang wika sa Asia. Isa pa, ang sangay na ito ay bukas-palad din na sumuporta sa mga sangay sa Australia, Korea, at Timog Aprika sa pagkakaloob sa kanila ng apat-na-kulay na mga palimbagan, kaya ang tatlong sangay na ito ay nag-iimprenta ngayon ng mga magasin sa apat na kulay.

Sa lumipas na mga taon, ang mga sangay ng Samahan na mayroon ay nagparte ng kanilang mga gamit sa mga sangay na wala, at dito’y ang organisasyon sa punung-tanggapan ang nanguna. Kaya marami ang natulungan ayon sa kanilang pangangailangan, iyon man ay sa pagtatayo o pagpapalawak ng mga gusali ng mga sangay, anupa’t ang mga ito ay sinangkapan ng kagamitan, o tinustusan sa pinakamahalagang gawaing pangangaral sa larangan. Ang “patas” na kaayusang ito, na naging posible dahil sa bukas-palad na mga abuloy ng mga Saksi ni Jehova sa buong lupa, ay saganang pinagpala ni Jehova.​—2 Corinto 8:12-15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share