Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 1/15 p. 32
  • Pakikitungo sa Damdamin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pakikitungo sa Damdamin
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 1/15 p. 32

Pakikitungo sa Damdamin

Ang tagumpay sa pakikitungo sa ating mga damdamin ay isang tunay na hamon. Isang kabataang babae ang nagbibida ng kaniyang karanasan: “Ako’y maligaya naman, subalit walang anu-ano ako ay mahuhulog sa matinding kalumbayan. Kung minsan ay ni hindi ko man lamang alam kung ano ang aking nadarama. Para bang ako’y talagang napariwara na sa kadiliman. Hindi ko man lamang maipahayag ang loobin ko at hindi ko matarok kung ano ang aking mga nadarama kaninuman ako makipag-usap, kahit man din sa aking sarili. Para bang hindi ako binibigyang-pansin ng mga taong nakapalibot sa akin, lalo na ang aking mga kamag-aral, sapagkat hindi naman ako maganda. Sa wakas lahat ng mga damdaming ito ay pumapatay sa akin sa loob, at kinapootan ko ang aking sarili at ang aking pagkatao.”

Ang babaing ito ay kumuha ng isang sipi ng aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. “Tunay na naging kawili-wili iyon,” ang sabi niya sa sulat, “kaya’t ibig kong basahin ang kabanatang ‘Ang Pagdadalaga.’ Hindi ko mapaniwalaan ang aking binabasa sapagkat inilarawan ng kabanata ang talagang nadarama ko noon, at ibinigay ang kasagutan. Iyon ay totoong nakapagpapatibay-loob na basahin kung kaya’t hindi kakatuwa na madama ko ito. Kailangan lamang na malaman ko ang tamang paraan ng pakikitungo rito.”

Bukod sa pagtulong sa mga kabataan na makitungo sa kanilang mga damdamin, tinatalakay ng aklat na ito ang mga bagay na gaya ng masturbasyon, at sinasagot nito ang mga katanungan na, Ang mga kabataan ba ay dapat uminom ng mga inuming nakalalasing? at, Dapat ba silang makaranas ng seksuwal na pakikipagtalik bago mag-asawa? Tatanggap ka ng isang kopya nito sa abuloy na ₱14.00 lamang kung susulatan at ihuhulog sa koreo ang kupon.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang, 192-pahinang aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Ako’y naglakip ng ₱14.00.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share