Buhat sa Bibig ng Isang Bata
ANG mga magulang ni Mia, isang tatlong-taóng-gulang na batang babae, at mga miyembro ng Dutch Reformed Church sa Timog Aprika, ay naghahanap noon ng isang titingin kay Mia samantalang sila’y nasa trabaho. Isang Saksi ang handang tumingin sa bata subalit sinabi niya sa mga magulang na araw-araw ay tinuturuan niya sa Bibliya ang kaniyang mga anak. Pumayag ang mga magulang na makasali rito si Mia. Nalaman ni Mia ang tungkol sa ipinangako ni Jehova na Paraiso at gusto niya ang kaniyang natutuhan. Nang siya’y apat na taon ay tumanggi siyang dumalo sa isang kasal sa simbahan, at ang sabi: “Daddy, ito’y Babilonyang Dakila.”
Nang siya’y anim na taon ay tinanong siya ng ministro kung sa anong relihiyon siya kasapi. “Saksi ni Jehova,” ang sagot niya. “At ang mga magulang mo?” “Sila’y nasa Dutch Reformed pa rin, pero malapit na silang magiging mga Saksi ni Jehova.” Ang ministro ay nagalit at ang sabi: “Pabayaan ninyo ang aking mga miyembro!”
Sa ngayon si Mia ay pitong taon at natutuwa na siya’y napasakatotohanan nang siya’y tatlong taon. Ang kaniyang mga magulang ay nagpahayag ng pagnanais na pabautismo.