‘Labis-labis Ito sa Lahat ng Inaasahan’
Isang lalaki sa Netherlands na isang siyentipikong mananaliksik ang sumulat: “Hindi malimit na ginagamit ko ang aking panulat upang maipahayag ang aking pagpapahalaga sa mga bagay na aking nababasa. Subalit ang lathalaing Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? ay talagang isang pambihirang aklat.”
Ipinaliwanag ng lalaki na siya’y sa araw-araw nakakausap ng mga biyologo at “mangangailangan ng isang himala para sa isang iyon na makumbinsi man lamang tungkol sa paglalang. Subalit ang aklat na ito ay talagang labis-labis sa lahat ng inaasahan. Ang may lohikong pagbuo ng mga kabanata at mga ilustrasyon ay totoong naaayon ngayon sa siyensiya kung kaya’t bulag ka kung magbabangon ka ng anumang pagtutol sa mga ito....Higit sa lahat ang aklat na ito ay kapani-paniwala dahil sa mga reperensiyang pinagkunan, na kung saan ang tanyag na mga ebolusyunista ay pinagssalita . . . Tunay na intensiyon ko na ang aklat na ito ay itawag-pansin sa iba ng aking (dati at hinaharap) mga kasamahan.”
Inaakala namin na tungkol sa aklat na Creation kayo man ay magkakaroon ng kaisipan na gaya ng sa siyentipikong mananaliksik na ito. Pumidido na ngayon ng magandang may mga larawang 256-pahinang aklat na ito.