Memoryal sa Abril 12
“At siya’y dumampot ng tinapay, nagpasalamat, kaniyang pinagputul-putol iyon, at ibinigay iyon sa kanila, na sinasabi: ‘Ito’y nangangahulugan ng aking katawan na ibibigay alang-alang sa inyo. Patuloy na gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.’ At, ang kopa sa ganoon ding paraan pagkatapos na sila’y makapaghapunan, na sinasabi: ‘Ang kopang ito’y nangangahulugan ng bagong tipan sa bisa ng aking dugo, na ibubuhos alang-alang sa inyo.’”—Lucas 22:19, 20.
Kayo’y inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova na dumalo sa pagdiriwang ng pinakamahalagang selebrasyong ito ng Memoryal. Sa taóng ito ang petsa sa ating kalendaryo na katumbas ng araw na mamatay si Jesus ay Linggo, Abril 12, pagkalubog ng araw. Kayo’y maaaring dumalo sa gabing iyan sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa inyong tahanan. Makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras.