Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 5/15 p. 23
  • “Purihin ang Pangalan ni Jehova”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Purihin ang Pangalan ni Jehova”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 5/15 p. 23

“Purihin ang Pangalan ni Jehova”

Noong Setyembre 2, 1986, ang German Democratic Republic (Silangang Alemanya) ay nagpalabas ng isang serye ng mga selyo na doo’y nakalarawan ang makasaysayang mga baryang Aleman. Ang una sa serye ay makikita sa ibaba. Ang nakalarawang barya ay may petsang 1633. Subalit, ang lalo nang nakatatawag-pansin ay ang apat na maniningning na mga karakter sa Hebreo na nakaimprenta sa barya. Ano ba ang ibig sabihin ng mga ito? Ang Briefmarkenwelt, isang Alemang magasin tungkol sa mga selyo, ay nagpapaliwanag nang ganito: “Dalawang anghel, na nakasuspende sa may tagiliran ng bayan, ang may dala sa pagitan nila ng pangalang Jehova.”

Noong ika-16 at ika-17 siglo, karaniwang-karaniwan ang paggawa ng gayong mga barya sa Europa. Isang ensayklopediang Aleman na may petsang 1838 ang bumabanggit: “Ang terminong mga baryang-Jehova ay kumakapit sa lahat ng barya at medalya na makikitaan ng salitang יהוה, Jehova, at nagniningning, nag-iisa man o kasama ng salitang Jesus, . . . malimit na may kasamang kasabihan na tumutukoy roon; palibhasa ito’y lalung-lalo nang masusumpungan sa maraming Talers [mga baryang pilak na inilabas ng iba’t ibang mga estadong Aleman noong pagitan ng ika-15 at ika-19 na siglo], at inuring sama-sama sa ilalim ng pangalang Jehovah-talers.”

Malamang, karamihan ng mga taong gumagamit ng mga selyong iyon ay walang alam sa bagay na ang mga letrang Hebreo ay kumakatawan sa pangalan ng Diyos. Subalit ang mga Saksi ni Jehova ay nagagalak na itawag-pansin ang bahaging ito sa selyo at ipaliwanag sa kanila ang kahulugan at kahalagahan ng pangalan ni Jehova. Samakatuwid, sa di-inaasahang pagkakataon sila ay natutulungan na “purihin ang pangalan ni Jehova.”​—Awit 135:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share