Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 5/15 p. 31
  • “Magiging Napakalaki ang Pinsalang Magagawa”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Magiging Napakalaki ang Pinsalang Magagawa”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 5/15 p. 31

“Magiging Napakalaki ang Pinsalang Magagawa”

SA Digmaang Pandaigdig I ay napakaraming buhay ng tao at ari-arian ang napahamak. Subalit, hindi gaanong alam ang pinsala na nagawa ng digmaan sa larawan ng mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan sa Aprika. Sang-ayon sa misyonerong Katoliko na si Francis Schimlek sa kaniyang aklat na Medicine Versus Witchcraft, ang balita tungkol sa pangglobong pagbabaka-bakang ito “ay gaya ng isang lindol, na ang yanig ay naramdaman hanggang sa pinakamalayong istasyon ng misyon sa kagubatan ng Aprika. . . . Ang mga mensahero ni Kristo ay nangapahiya, at nagitla ang mga Kristiyanong Katutubo.”

Bakit nga gayon? Sinipi ni Schimlek ang misyonerong si Albert Schweitzer sa kaniyang paliwanag: “Tayo, lahat tayo, ay may kamalayan na maraming mga Katutubo ang nagigitla sa katanungan kung paanong maaaring posible na ang mga puti, na may dala ng Ebanghelyo ng Pag-ibig, ay nagpapatayan ngayon, at kanilang itinatakwil ang mga utos ng Panginoong Jesus. Pagka kanilang iniharap sa atin ang tanong ay wala tayong magawa. . . . Ako’y nangangamba na magiging napakalaki ang pinsalang magagawa.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share