Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 6/15 p. 8-9
  • Pagluhang Napauwi sa Walang-Kahulilip na Kaligayahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagluhang Napauwi sa Walang-Kahulilip na Kaligayahan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Pagluhang Napauwi sa Walang Kahulilip na Kaligayahan
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Nabuhay-Muli ang Isang Batang Babae!
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Jairo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ibinangon ni Jesus ang mga Patay
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 6/15 p. 8-9

Ang Buhay at Ministeryo ni Jesus

Pagluhang Napauwi sa Walang-Kahulilip na Kaligayahan

NANG makita ni Jairo na gumaling ang babaing inaagasan, tiyak na lalong nag-ibayo ang kaniyang pagtitiwala sa kahima-himalang kapangyarihan ni Jesus. Maaga pa nang araw na iyon, hiniling ni Jairo kay Jesus na sumama ito sa kaniya upang matulungan ang kaniyang minamahal na anak na dalagitang 12 anyos, na nasa bingit na ng kamatayan. Subalit habang sila’y patungo sa tahanan ni Jairo, na naroon o malapit sa Capernaum, isang babae na humipo lamang sa laylayan ng pang-ibabaw na kasuotan ni Jesus ang gumaling.

Samantala, ang lubhang kinatatakutan ni Jairo ay nangyari. Samantalang kausap pa ni Jesus ang babae, may mga lalaking dumating at marahang nagbalita kay Jairo: “Namatay na po ang anak ninyo! Bakit pa ninyo gagambalain ang guro?”

Totoong nakapanlulumo ang balitang iyon! Pag-isipan: Ang taong ito, na totoong iginagalang sa pamayanan, ay parang inutil na inutil ngayon nang mabalitaan niya ang pagkamatay ng kaniyang anak. Subalit, naulinigan ni Jesus ang usapan. Kaya siya’y bumaling kay Jairo bilang pampatibay-loob: “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.”

Si Jesus ay sumama sa namimighating lalaki sa pag-uwi nito sa kaniyang tahanan. Nang sila’y dumating doon, ang nadatnan nila’y ang mga nagpapanangisan at nananaghoy. Nagtipon doon ang karamihan ng tao, at sila’y nagkakagulo dahil sa paghihinagpis. Nang pumasok na si Jesus, siya’y nagtanong: “Bakit kayo nagkakaingay at nananangis? Ang bata ay hindi naman patay, kundi natutulog.”

Sa pagkarinig nito, nagtawanan ang mga tao at nanlibak kay Jesus sapagkat ang alam nila ay na talagang patay ang bata. Subalit, ang sabi ni Jesus ay natutulog lamang ito, upang ipakita na, sa pamamagitan ng kaniyang bigay-Diyos na kapangyarihan, ang mga tao ay madaling mababawi sa kamatayan upang mabuhay uli gaya nang kung paano madali silang nagigising buhat sa mahimbing na pagkatulog.

Ngayon ay sinabihan ni Jesus na lumabas ang lahat doon maliban kay Pedro, Juan, Santiago, at ang ina’t ama ng yumaong dalagita. Ngayon ay isinama niya ang limang ito at naparoon sila sa kinahihimlayan ng dalagita. Siya’y tinangnan sa kamay ni Jesus at ang sabi nito: “Talʹi·tha cuʹmi,” na, kung isasalin, ay ganito ang kahulugan: “Dalaga, sinasabi ko sa iyo, Bumangon ka!” At karakaraka ang dalaga’y bumangon at lumakad! Sa nangyaring iyon ay halos mawala sa kanilang sarili ang mga magulang dahil sa walang kahulilip na kaligayahan.

Pagkatapos ihabilin na bigyan ang dalagita ng makakain, iniutos ni Jesus kay Jairo at sa kaniyang maybahay na huwag ibalita kaninuman ang nangyari. Subalit sa kabila ng sinabing iyon ni Jesus, ang balita ay lumaganap sa buong lugar na iyon. Ito ang pangalawang pagbuhay na muli na ginawa ni Jesus. Mateo 9:18-26; Marcos 5:35-43; Lucas 8:41-56.

◆ Anong balita ang tinanggap ni Jairo, at paano siya pinalakas-loob ni Jesus?

◆ Ano ba ang kalagayan nang sila’y dumating sa tahanan ni Jairo?

◆ Bakit sinabi ni Jesus na ang namatay na bata ay natutulog lamang?

◆ Sino ang limang kasama ni Jesus na nakasaksi sa pagkabuhay muli?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share