“Ang Aklat na Ito ay Dapat Tumanggap ng Oscar”
Ang sumusunod na liham ay tinanggap buhat sa East Orange, New Jersey, E.U.A.
“Mahal na Ginoo:
“Kamakailan ay malugod na binasa ko ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Nakuha ko ito nang di sinasadya nang ako’y nagtatrabaho sa silid sa koreo sa trabaho ko. At naisip ko ang aklat ay talagang kabigha-bighani. Ang mga tao na bumuo ng kahanga-hangang literaturang ito ay karapat-dapat na papurihan. Ako’y hindi basta-basta pumupuri kaninuman, subalit tunay na sila’y karapat-dapat sa aking taimtim na papuri.
“Mayroon akong dalawang magagandang anak na babae, onse at siyete anyos ang edad. Natitiyak ko na ang aklat na ito ay magiging isang mahalagang instrumento sa pag-aaral nila sa primarya sa kasalukuyan. Ang aklat ay napakahusay ang pagkasulat at may malalaking letra—bagay na bagay sa mata ng Mahal na Itay. Ang aklat na ito ay dapat tumanggap ng Oscar [isang premyo] sapagkat ito ay makulay, kay gaganda ng ilustrasyon at napakahusay ang pagkasulat. . . . Pakisuyong sabihin ninyo sa akin kung saan at kung paano makakapidido nito. Nais kong magkaroon ng tatlong kopya, kaya pakisuyong padalhan ako ng mga porma sa pagpidido at ng halaga nito sa pinakamadaling panahon na maaari.”
Maaari kang magtamo ng isang kopya ng napakahusay na aklat na ito sa pamamagitan ng pagsulat at paghuhulog sa koreo sa kupon sa ibaba kalakip ang abuloy na ₱35.00 lamang.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng 256-pahinang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?