May Sariling Suskrisyon ba ang Inyong Anak?
UPANG mapaunlad sa kanilang mga anak ang pagnanasang matuto, ang matatalinong magulang ay naglalaan ng maiinam na literatura para sa kanila. Halimbawa, marami sa kanila ang tumitiyak na ang kanilang mga anak ay magkaroon ng sariling suskrisyon sa magasin sa Bibliya na Ang Bantayan, na ginagamit na pantulong para sa lingguhang mga pagtalakay sa Bibliya sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova. Subalit sa anong edad dapat bigyan ang isang anak ng sarili niyang suskrisyon?
Noong may pasimula ng taon na ito, ang sumusunod na liham ay tinanggap galing sa isang ina: “Ang suskrisyong ito ay para sa aming dalawang taóng gulang na anak na lalaki. Sa panahon ng Pag-aaral ng Bantayan, kailangan niyang magkaroon siya ng kaniyang sariling kopya. Sinubok ko na bigyan siya ng naiibang kopya nang kami’y wala nang ganoon ding kopya, subalit napapansin niya ang mga larawan na hindi kaayon at ang gusto niya’y ang labas ng magasin na aming ginagamit. Siguradong ang magandang mga larawang de kolor ang nakatatawag-pansin kahit na sa isang batang musmos at tutulong sa kaniya sa maagang pagpapahalaga sa espirituwal na pagkain na hindi pa niya nauunawaan.”
Bakit hindi tiyakin na bawat isa sa inyong mga anak ay magkaroon ng sariling suskrisyon sa Ang Bantayan? Tatanggap kayo ng isang taóng suskrisyon sa pamamagitan ng pagsulat at paghulog sa koreo ng kalakip na kupon, lakip na ang ₱60.
Pakisuyong padalhan ako ng Ang Bantayan. Ako’y naglakip ng ₱60.