Pagtitiis sa Ilalim ng Higit sa Karaniwang Magagawa ng Tao
Ganiyan ba ang inaakala mong ginagawa mo?
Marami ang naniniwalang ganiyan sila. At sila’y natutulungan sa pagkaalam ng kung paano nagtatagumpay ang iba. Isang kard buhat sa Greenville, Texas, na ipinadala sa Samahang Watchtower, ang may ganitong paliwanag: “Talaga namang pinahahalagahan ko ang istorya sa tunay na buhay ng mga Kristiyanong nagtiis nang napakalaki upang makapanatiling tapat. Marami sa mga karanasan ang binasa ko kasabay ng pagtulo ng luha, palibhasa’y nakikita ko na tanging si Jehova na tunay na Diyos ang nakapagligtas sa kanila sa gayong mahirap na kalagayan na kinasuongan nila. Ako’y nagiging lalong mababang-loob at mapagpasalamat na Kristiyano habang binabasa ko ang kanilang pinagdaanan, at tinulungan ako nito na huwag mag-isip nang lalong matayog sa aking sarili o ako’y maging mapag-imbot.”
Ang 1988 Yearbook of Jehovah’s Witnesses ay punô ng mga karanasan ng mga Kristiyanong naninindigang matatag sa panig ng katuwiran noong panahon ng digmaan sa Korea at noong mga taon ng terorismo sa Ireland. Ang Yearbook ay nagbibigay rin ng kasaysayan ng gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Costa Rica, at ng isang kaalinsabay-ng-panahong larawan ng kanilang gawain sa buong daigdig.
Pakisuyong padalhan po ako, libre-bayad sa koreo, ng 1988 Yearbook of Jehovah’s Witnesses. Ako’y naglakip ng ₱14.