Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 3/1 p. 32
  • “Hindi na Ako Isang Ateista!”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Hindi na Ako Isang Ateista!”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 3/1 p. 32

“Hindi na Ako Isang Ateista!”

“May nakilala akong isang babae na taga-Poland na isang propesora,” ang pag-uulat ng isang misyonero sa Senegal, Aprika. “Kami’y nagkaroon ng mahabang pag-uusap, at sinikap kong masagot ang kaniyang maraming mga tanong.” Tinanggihan ng propesora ang isang publikasyon na ukol sa pag-aaral sa Bibliya, at ganito ang paliwanag niya: “Ako’y isang ateista. Wala akong anumang interes sa aklat na iyan.” Gayunman, tinanggap niya ang aklat na Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?

“Nang ako’y bumalik ng sumunod na linggo,” ayon sa ulat ng misyonero, “natutuwang sinabi niya sa akin na kaniyang nabasa ang aklat mula sa umpisa hanggang sa katapusan. Nang imungkahi ko na suriin naming magkasama ang aklat na Creation, siya’y tumugon: ‘Pero hindi ko kailangang pag-aralan ngayon ang aklat na iyan! Nabasa ko nang lahat-lahat iyan, at binagong lubusan ang aking pag-iisip​—hindi na ako isang ateista! Ngayon ay ibig kong makipag-aral sa iyo ng pulang aklat na unang ipinakita mo sa akin, kasama ng Bibliya!’”

May nakikilala ka bang isang ateista o marahil may alinlangan sa pagiging totoo ng Bibliya? Bakit hindi mo regaluhan ang taong iyon ng isang kopya ng Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Magagawa mo iyan kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba, kalakip ng ₱35 lamang.

Pakisuyong padalhan, libre-bayad sa koreo, ng isang regalong kopya ng 256-pahinang aklat na Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? lakip ang isang liham na nagpapaliwanag na ito ay isang regalo buhat kay ‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐ (pangalan mo).

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share