Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 4/15 p. 31
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Isiniwalat ang Panahon ng Pagparito ng Mesiyas
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
  • Kung Paano Inihula ni Daniel ang Pagdating ng Mesiyas
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Pitumpung Sanlinggo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mapatibay Ka Nawa ng Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 4/15 p. 31

Natatandaan Mo Ba?

Nasiyahan ka ba ng pagbabasa ng kamakailang mga labas ng Ang Bantayan? Bueno, tingnan natin kung masasagot mo ang sumusunod na mga tanong:

◻ Ano ang tema ng modernong-panahong Biblikal na ebanghelismo?

Ang pinaka-tema ng mensahe ng tunay na ebanghelisador sa ngayon ay ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa kamay ng kaniyang pinahirang Hari, si Jesu-Kristo. Kasali na rito ang lahat ng mga katotohanan na sinalita ni Jesus at sinulat naman ng kaniyang mga alagad. (Mateo 24:14; 28:19, 20)​—1/1, pahina 4.

◻ Bakit kailangan na magpatuloy ng pangangaral ng mabuting balita sa mga teritoryo na kung saan bahagya lamang ang resulta o tuluyang walang resulta?

Si Jehova, sa pamamagitan ni Kristo Jesus, ang nag-utos na ‘ang mabuting balita ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa.” (Mateo 24:14) Kung tumatangging makinig ang mga tao, nagbibigay sa atin ito ng pagkakataon na ipakita ang tindi ng ating pag-ibig at debosyon kay Jehova sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng matuwid. At, ang ating pag-ibig ang nag-uudyok sa atin na magbabala sa ating kapuwa ng darating sa sangkatauhan sa hinaharap. (1 Juan 5:3; 2 Timoteo 4:2)​—1/1, pahina 26.

◻ Anong pakinabang ang idinudulot ng buong-panahong ministeryo sa maraming mga mamamahayag ng Kaharian?

Tumutulong ito sa kanila na linangin nang puspusan ang bunga ng espiritu, magpakita ng higit na pag-ibig sa mga tao, maging lalong epektibo sa ministeryo, at magtiwala ng higit pa kay Jehova. Kung gayon, sila’y nagtatamasa ng lalong matalik na kaugnayan kay Jehova.​—1/15, pahina 26.

◻ Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang presentasyon sa anong direksiyon at layunin nakatutok ang isinulat ng lahat ng mga manunulat ng Bibliya?

Ipinakita nilang lahat kung ano ang gagawin ng Diyos na Jehova upang paligayahin ang sangkatauhan at gayundin kung ano ang dapat gawin ng bawat tao upang makalugod sa Diyos.​—2/1, pahina 7.

◻ Ano ang ilan sa mga gantimpala at pakinabang sa pagiging matapat?

Lalong nagkakaroon ng higit na pagtitiwala at pananalig, na humahantong sa maiinam na pakitungo at ugnayan. Ang pagiging matatag ay nagbubunga rin ng malinis na budhi, at ito’y nagbibigay ng katiwasayan ng isip, upang ang isang tao’y makaharap sa kaniyang kapuwa na walang pangambang mapahiya. (Hebreo 9:14; 1 Timoteo 1:19)​—2/15, pahina 7.

◻ Kaninong mga panalangin ang dinirinig at sinasagot ng Diyos na makapangyarihan-sa-lahat?

Dinirinig ni Jehova ang mga panalangin na ipinahahatid sa kaniya sa pamamagitan ng tamang alulod, si Jesu-Kristo; sa tamang paraan; at taglay ang tamang saloobin ng isip at puso. Sinasagot ng Diyos ang gayong mga panalangin ayon sa kaniyang banal na kalooban at sa kaniyang minamagaling na panahon.​—3/15, pahina 7.

◻ Anong mahalagang pangyayari ang naganap noong ika-20 taon ng paghahari ni Haring Artajerjes (455 B.C.E.)?

Pinayagan si Nehemias na bumalik at muling itayo ang Jerusalem at ang mga pader niyaon. Ang utos na ito ang pasimula ng “pitumpung sanlinggo” ng mga taon ng hula ni Daniel, na humuhula tungkol sa paglitaw ni Jesus bilang “Mesiyas na lider” sa takdang panahon noong taóng 29 C.E. (Daniel 9:24, 25; Nehemias 1:1; 2:1-9)​—3/15, pahina 28, 29.

◻ Ano ang pinakamagaling na paraan ng pakikitungo sa mga suliranin sa pamilya?

Taglay ang pag-ibig, sapagkat ang payo ng Bibliya, “Gawin ninyo ng pag-ibig ang lahat ninyong ginagawa.” Gayundin, “ang pag-ibig ay nagtatakip ng maraming kasalanan.” (1 Corinto 16:14; 1 Pedro 4:8) Kailangan na ito ay isang malalim ang pagkakaugat na pag-ibig na handang palampasin ang di-kasakdalan ng mga ibang miyembro ng pamilya na marahil ay nakayayamot at nagpapagalit sa isa.​—4/1, pahina 6, 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share