Isang Di Kapani-paniwalang Pantulong sa Pagtuturo
ANG isang maliit na bata ay maaaring makatandâ nang higit sa iyong akala. Sa isang sulat ng pasasalamat para sa cassette tapes (sa Ingles) ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, isang ina mula sa Florida (E.U.A.) ay sumusulat tungkol sa kaniyang limang taóng gulang na anak na lalaki.
“Kung magsasabi ka sa kaniya ng numero, alam niya kung tungkol saan ang kuwentong iyon. Hindi pa siya nakababasa subalit saulado niya ang mga kuwento at maaari niyang sabihin mula sa puso. Sinasabi ng iba sa akin na hindi makatulog ang kanilang anak hangga’t walang kumot o mga laruan. Pero ang sa akin ay hindi makatulog hangga’t hindi tumutugtog ang kaniyang tape player. Nakikinig siya sa mga kuwento sa lahat ng panahon. Nakatutulog siya sa pakikinig doon gabi-gabi. Narito ang kaniyang larawan habang nakikinig doon.”
Ang pakikinig sa mga cassette (sa Ingles) ng 116 na mga kuwento sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya ay tutulong sa mga bata na matutuhan kung tungkol sa nilalaman ng Bibliya. Ginagamit ba ninyo ang mabuting pantulong sa pag-aaral na ito? Ang album na may apat na cassette ay ₱120.00 lamang; ang haba nito sa pagpapatugtog ay lima at kalahating oras.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng kayumangging vinyl album na may apat na cassette tapes (sa Ingles) ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ako’y naglakip ng ₱120.00. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa halaga.)