‘Hindi Ko Inaasahan Noon na Magugustuhan Ko Ito’
GANIYAN ang isinulat ng isang tao na sumulat sa kaniyang kaibigang nagregalo sa kaniya ng isang kopya ng aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? “Natitiyak ko na iniisip mo kung natanggap ko ang aklat,” ang isinulat ng taong iyon. “Oo! Salamat sa iyo! Nabasa ko ba? Oo rin. Ako’y manghang-mangha nang mapatunayang iyon ay totoong kapana-panabik.
“Talagang hindi ko inaasahang magugustuhan ko iyon, ang totoo, sinimulan kong basahin iyon para masabi ko sa iyo na ‘Bueno, sinubukan ko iyon.’ Sa aking pagtataka hindi ko mabitaw-bitawan iyon. . . . Kinailangan marahil ang 10 araw upang matapos ko iyon. At ako’y nabighani. Agad kong ibinalita iyon sa ilang mga kaibigan—ipinahiram ko sa dalawa sa kanila at ipinangakong ipahihiram ko sa ikatlo! Kaya hindi kukulangin sa 4 sa amin dito ang babasa niyan at marami pang iba, gaya ng inaasahan ko. Talagang ito’y isang kahanga-hangang aklat. Uulitin ko, salamat sa iyo.”
Mayroon ka bang alam na maaari mong padalhan ng isang aklat na talagang magugustuhan nila? Kung gayon bakit hindi ka magregalo ng Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Madali mong magagawa iyan kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba, at lalakipan ng ₱42.00 ang kupon.
Pakisuyo pong padalhan ako libre-bayad sa koreo, ng isang regalong kopya ng 256-pahinang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? at isang liham na nagpapaliwanag na ito’y isang regalo na galing kay (iyong pangalan). Ako’y naglakip ng ₱42.00