Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 1/15 p. 32
  • Pinahahalagahan “ang Bantayan” sa Cassette

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinahahalagahan “ang Bantayan” sa Cassette
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 1/15 p. 32

Pinahahalagahan “ang Bantayan” sa Cassette

Parami nang paraming mga tao ang nagpapahayag ng ganiyang pagpapahalaga. Isang dalagita sa Alberta, Canada, ang sumulat:

“Ako po’y 17-anyos na dalagitang maysakit na dyslexia, isang sakit na may kinalaman sa pagkatuto. Noong nakaraan ay may problema ako na bahagyang-bahagya lamang na maintindihan ko ang aking binabasa. Subalit, kung mayroong magbibigay ng panahon upang basahin sa akin ang impormasyon, agad na mauunawaan ko iyon.

“Noong nakaraan, sa tuwina’y isang kabiguan, nakasisira pa nga ng kalooban, ang magbasa ng Ang Bantayan. Ngayon ito ay nabago nang biglang-bigla. Katatapos ko lang pakinggan ang cassette na sumasaklaw sa labas nito para sa Enero 1. Di mailarawan ng mga salita ang kagalakan ko na maunawaan ang aking binabasa, yaong buong magasin! Ganiyan na lamang ang laki ng aking pasasalamat, pagkilala ng utang na loob, at pagpapahalaga sa bagong paglalaang ito.”

Masisiyahan ka kaya na mayroong babasa sa iyo ng bawat labas ng Ang Bantayan (sa Ingles) para sa susunod na taon? Kung gayon, sulatan mo at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba, kasama na ang nararapat na abuloy, at tatanggapin mo Ang Bantayan (sa Ingles) sa cassette tapes. Isinaplaka ang bawat labas sa iisang cassette at ito ang ipadadala sa iyo sa pamamagitan ng koreo, 2 cassette isang buwan, 24 para sa isang taóng suskripsiyon. Ang kontribusyon ay ₱1,080 lamang. Para sa mga taong may katibayan ng pagkabulag o may kapansanan sa mata upang makabasa ng normal na materyal sa pagbasa, ang halaga ng isang taóng suskripsiyon ay ₱240 lamang.

Pakisuyong padalhan po ako ng isang taóng suskripsiyon para sa cassette tapes ng Ang Bantayan (sa Ingles). Itsek ang kahong kinauukulan, at lakipan ng hustong kontribusyon. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)

◻ Ingles, 1 taon. Ako’y naglakip ng ₱1,080.

◻ Ingles, 1 taon. Ako’y naglakip ng ₱240, kasama ang katibayan ng aking pagkabulag (tulad ng ibinibigay ng mga organisasyon para sa mga bulag, mga doktor, o mga propesyonal sa kawanggawa).

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share