Isang Pangyayaring Dapat Alalahanin!
Noon ay Nisan 14 nang taóng 33 C.E.
Si Jesus ay nakikibahagi sa isang saro ng alak at isang tinapay na walang lebadura kasama ng kaniyang mga apostol. Ang kaniyang tagubilin? “Patuloy na gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Kaya’t minsan sa isang taon, ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay nagtitipon upang alalahanin ang kamatayan ni Jesus ayon sa paraan na itinagubilin niya noong gabi nang bigkasin niya ang pangungusap na iyan. Sa taóng ito, ang Nisan 14 ay magsisimula sa Miyerkules, Marso 22, pagkalubog ng araw. Ikaw ay malugod na inaanyayahang makisama sa amin sa pagtitipong ito ng pag-aalaala sa kaniya sa Miyerkules ng gabi. Pakisuyong makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong pook tungkol sa eksaktong oras at lugar ng pagtitipon.