Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 4/1 p. 32
  • Isang Bagong Ensayklopedia sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Bagong Ensayklopedia sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 4/1 p. 32

Isang Bagong Ensayklopedia sa Bibliya

Marami ang sumulat na upang magpahayag ng kanilang pagpapahalaga sa bagong ensayklopedia sa Bibliya na kanilang tinanggap. “Anong kahanga-hangang tulong sa pananaliksik ang dalawang bagong tomong Insight on the Scriptures!” ang natutuwang sabi ng isang manunulat na taga-Wisconsin, E.U.A. “Tunay na ito’y isang kahanga-hangang regalo, na aking pakamamahalin magpakailanman at sisikapin kong gamitin na lubusan,” ang isinulat ng isang babaing taga-Jamaica, West Indies.

Ang dalawang tomo ng Insight on the Scriptures ay mayroong 2,560 pahina lahat-lahat sa malinaw, na tipong madaling basahin. Ang libu-libong artikulo nito ay nakaayos ayon sa abakada at madaling maintindihan. Ang mga ito ay tungkol sa mga tao, lugar, halaman at mga hayop, mahalagang mga pangyayari, makatalinghagang mga pananalita sa Bibliya, at ulat ng mga pakikitungo ng Diyos sa sangkatauhan.

Limamput-tatlong mga paksa ang binuo bilang natatanging pitak na may hustong kulay. Marami sa mga ito na kinabibilangan ng mga mapa at mga larawan ng heograpikong mga lokasyon at mga displey sa museum, gayundin iba pang mga gawang sining na dinisenyo upang tumulong sa inyo na gunigunihin ang mga pangyayari sa Bibliya. Mahalagang sandigan at nagpapaliwanag na materyales ang inilaan sa pamamagitan ng mahigit na 3,500 mga teksto sa Bibliya. Kasali na ang mga indise ng paksa, teksto, at lokasyon sa mapa.

Tatanggap kayo ng mahalagang dalawang-tomong ensayklopediang ito kung ihuhulog ninyo sa koreo ang kalakip na kupon kalakip ng ₱200 lamang.

Pakisuyo pong padalhan ako, libre bayad sa koreo, ng dalawang-tomong ensayklopedia sa Bibliya na Insight on the Scriptures. Ako’y naglakip ng ₱200. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share