Ang Relihiyon at ang Nazismo
“Si Hitler . . . ay may isang Katolikong Bise-Kanselyer at mula sa halos unang araw ng rehimen si Franz von Papen ang naging tagatambol na nang-aakit sa mga Katoliko upang sumuporta sa bagong Reich. Sa bawat bahagi ng Reich si von Papen ay maririnig na humihimok sa mga tapat na magbigay ng bulag na pagsunod kay Adolf Hitler.”
“Noong may pasimula ng 1933 ang sumusunod na opisyal na patalastas ay ginawa ng lupong namamahala ng aksiyon at kaisipang Katoliko sa Alemanya, na noo’y pinangungunahan ni [Franz] von Papen: ‘Tayong mga Alemang Katoliko ay tatangkilik, nang ating buong kaluluwa at nang ating buong kombiksiyon, kay Adolf Hitler at sa kaniyang Gobyerno. Tayo’y namamangha sa kaniyang pag-ibig sa amang bayan, sa kaniyang sigla at sa kaniyang karunungan bilang estadista. . . . Ang Alemang Katolisismo . . . ay kailangang magkaroon ng isang aktibong bahagi sa pagtatayo sa Ikatlong Reich.’”
Si Franz von Papen ay naging kasangkapan sa pagbuo ng isang kasunduan sa pagitan ng gobyernong Nazi na kaniyang pinaglingkuran sa Alemanya at ng Vaticano sa Roma. Ang kasunduan ay nilagdaan noong Hulyo 20, 1933. Isang natatanging patalastas ang nagsasabi: “Ang Kardinal at Kalihim ng Estado Pacelli [naging si Papa Pio XII] ay nagkaloob sa araw na ito kay Bise-Kanselyer von Papen, ng Grand Cross of the Order of Pius . . . si Bise-Kanselyer von Papen naman ay nagkaloob sa Kardinal na Kalihim ng Estado ng isang Madonna of White Meissen Porcelain bilang isang regalo ng Gobyerno ng Reich. . . . Lahat ng regalo ay may dedikasyon: ‘Isang alaala ng Reich Concordat 1933.’”—Lahat ng sinipi rito ay kuha sa Franz von Papen—His Life and Times, ni H. W. Blood-Ryan.