Isang Mahalagang Gamit sa Pananaliksik
“Marami pong salamat sa inyong inilathalang mga tomo ng Bantayan at Gumising!,” ang sulat ng isang 13-anyos na taga-New Zealand. Ang dalagita’y nagpaliwanag:
“Hiniling ng aking guro na ang klase’y magsaliksik tungkol sa anumang kapahamakan at pagkatapos ay ayusin iyon sa pormang booklet. Ang pinili ko’y pag-aralan ang tungkol sa Titanic. Ako’y naghanap ng mga aklat sa paaralan subalit wala akong nakitang anumang nababagay. Kaya’t naghanap ako sa tomo ng Gumising! para sa ’81. Binasa ko ang buong artikulo tungkol sa Titanic, at sa aking sariling pananalita, iyon ay aking isinapormang booklet. Matapos markahan ng aking guro ang lahat ng assignment, ang akin ay ipinakita niya sa klase. Ako ang nakakuha ng pinakamataas na marka.” Ganito ang pagtatapos ng dalagita: “Kailanma’t ako’y may assignment, gagamitin ko ang inyong publikasyon.”
Sa pamamagitan ng pagpidido ng pinabalatang mga tomo ng magasing ito, ikaw man ay magkakaroon ng isang mahalagang gamit sa pananaliksik. Ang 1988 pinabalatang tomo ng Gumising! (sa Ingles) ay mapipidido na ngayon, pati ang pinabalatang tomo ng Ang Bantayan (sa Ingles), kasamang magasin ng Gumising! Tatanggap ka ng iyong pidido kung susulatan at ihuhulog mo ang kupon sa ibaba.
Markahan ang alinman sa kahon, o kapuwa, at lakipan ng tamang abuloy. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)
[ ] Pakisuyo pong padalhan ako ng pinabalatang tomo ng 1988 Awake! Ako’y naglakip ng ₱84.
[ ] Pakisuyo pong padalhan ako ng pinabalatang tomo ng 1988 Watchtower. Ako’y naglakip ng ₱84.