Hindi Lamang Para sa mga Bata
Isang babaing taga-Fort Worth, Texas, ang sumulat: “Kung mga ilang taon nang mayroon akong aklat na Pakikinig sa Dakilang Guro. Minabuti kong basahin iyon sa aking sampung-buwang-edad na anak na lalaki. Sa araw-araw ako’y bumabasa ng dalawa o tatlong kabanata. Batid ko na siya’y napakaliit pa upang makaunawa niyaon. Gayunman, ako ay nakinabang din nang malaki. Ang aklat ay pumukaw ng aking puso sa isang bukud-tanging paraan at pinatindi niyaon ang aking pag-ibig at pagpapahalaga sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. Ako’y 27-anyos. Ang akala ko noon ay para lamang sa mga bata ang aklat na Dakilang Guro, at ngayon ay nagsisisi ako sa hindi ko pagbabasa niyaon nang mas maaga.”
Ang pinabalatang, may mga larawang, 192-pahinang aklat na ito ay ipadadala sa iyo sa abuloy na ₱14 lamang. O kung hindi naman, sa abuloy na ₱150 lamang ay maaari kang pumidido ng aklat na iyan (sa Tagalog) at ng isang magandang album na may apat na cassette tapes na recording niyan (sa Ingles).
Itsek ang angkop na kahon at lakipan ng kaukulang abuloy:
[ ] Pakisuyo pong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang aklat na Pakikinig sa Dakilang Guro (sa Tagalog); Ako’y naglakip ng ₱14.
[ ] Pakisuyo padalhan po ako, libre-bayad sa koreo, ng magandang vinyl album na may apat na cassette (sa Ingles) at ng aklat na Pakikinig sa Dakilang Guro (sa Tagalog). Ako’y naglakip ng ₱150. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)