‘Saligang Turo Tungkol sa Moralidad sa Sekso’
Isang 14-anyos na dalagita na taga-Nigeria, Kanlurang Aprika, ang napasasalamat dahil sa tumanggap siya ng gayong turo buhat sa aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Ganito ang isinulat niya:
“Ang aklat na ito ay isang napakalaking tulong, makatotohanan, kahanga-hanga at kalugud-lugod na obra maestra. Tiyak na ito’y malaking tulong sa kaninuman na gustong maakay upang makalampas sa lahat ng umiiral na mga makasalanan at kakatuwang mga pangyayari sa buhay.
“Aking ipinakilala ang aklat na ito sa aking mga kamag-aral at mga kalapit-bahay. Lahat ng bumabasa nito ay humahanga sa inyong mahuhusay na ‘nagbibigay-kaalamang’ mga ilustrasyon at sa mga paksang tinalakay sa aklat. Aming inaasahan na ang mga katotohanang tinalakay sa aklat ay hindi lamang magbibigay-liwanag o magtuturo ng karunungan at ng kinakailangang mga simulain ng kahinhinan ng asal, kundi magbibigay rin ng positibong alituntunin sa mga kabataan at mga adulto na nais magtamasa ng tunay na kapayapaan ng isip at kalusugan, at sila’y makikitaan ng pagpipigil sa sarili at ng lakas para sa matuwid. . . .
“Bilang pinakasukdulan, ang aklat na ito ay napakadaling intindihin at labis-labis ang saligang turo tungkol sa moralidad sa sekso na marahil ay hindi naituturo ng karamihan ng mga magulang o mga guro . . . Anong laki ng pagnanasa kong ang aklat ay maipakilala sa mga paaralan para sa pang-araw-araw na liksiyon sa klase, upang makapagtatag ng isang lalong mapayapa, kaibig-ibig, mabunga at makabuluhang istilo ng pamumuhay.”
Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito ay sumasagot sa mga katanungang gaya ng, Bakit ba dapat mag-aral sa paaralan ang mga kabataan? Papaano nila mamalasin ang kanilang mga magulang? Dapat ba silang makipagtalik bago mag-asawa? at Dapat ba silang uminom ng mga inuming nakalalasing? Tatanggap ka ng isang kopya nito sa abuloy na ₱14 lamang kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Pakisuyong padalhan po ako, libre-bayad sa koreo ng pinabalatang 192-pahinang aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Ako po’y naglakip ng ₱14.