Ano ba ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Aborsyon?
Iyan ang itinanong ng isang mag-asawa sa Argentina sa isang babaing dumadalaw sa kanila, yamang batid nila na alam na alam niya ang Bibliya. Ibig maalaman ng mag-asawa kung itinuturing ng Diyos na wasto ang aborsyon. Ang asawang babae ay nagdadalang-tao nang dalawang buwan at nagbabalak na magpalaglag bagaman hindi sang-ayon doon ang kaniyang asawa.
Ang babaing dumadalaw sa mag-asawa’y naglabas ng isang kopya ng aklat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan at binuklat ang pahina 25. Kaniyang binasa ang kahulugan ng aborsyon at pagkatapos ay ipinabasa sa mag-asawa ang mga teksto na tinutukoy sa aklat, na nagpapakita kung papaanong minamalas ng Diyos ang isang sanggol na ipinagbubuntis. Makalipas ang pitong buwan ang sanggol ay isinilang. Samantala, ang nagmamalaking mga magulang ay naging mga estudyante ng Bibliya.
Kayo’y tatanggap ng isang personal na kopya ng mahalagang reperensiyang ito sa Bibliya na sasagot sa daan-daang napapanahong mga tanong.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang, 448-pahinang reperensiya na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan. Ako’y naglakip ng ₱21.