Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 10/1 p. 31
  • Aids—‘Pasimula ba ng Isang Bagong Moralidad’?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Aids—‘Pasimula ba ng Isang Bagong Moralidad’?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 10/1 p. 31

Aids​—‘Pasimula ba ng Isang Bagong Moralidad’?

PAGKATAPOS banggitin na isang doktor sa medisina ang nagsabing “isang lubusang monogamiyang relasyon” ang tanging paraan upang maiwasan ang pagkahawa sa sakit na AIDS, isang manunulat ng editoryal sa Canada ang nagtanong: “Ang kinatatakutang AIDS kaya ang pasimula ng isang buong bagong moralidad sa ating daigdig?” Naisip din ng manunulat kung hindi kaya “nakapagtataka” na ang itinuro ng Bibliya sa loob ng maraming taon, samakatuwid nga, ang monogamiya, “ang tanging makapagliligtas sa sangkatauhan.” Tinukoy din ang kasalukuyang sanlibutan ng “mga droga, tabako, alak at hindi pinakamaliit, ang labis na pagsesekso,” at ang sabi ng editoryal: “Nagbabayad na tayo ngayon sa pornograpiko, handalapak, marungis na sanlibutang nilikha natin.”

Bagaman mabuti na umasang magkakaroon ng paghusay sa asal at sa pagkaligtas, ang takot ba lamang sa isang maagang kamatayan o ang pagkalipol ng sangkatauhan ang lilikha ng “isang buong bagong moralidad”? Hindi, sapagkat sa kabila ng mga babala buhat sa mga doktor at mananaliksik, karamihan ng mga maninigarilyo at mga sugapa sa alak ay nagpapatuloy sa walang kawawaang pag-aabuso sa kanilang kalusugan, anupa’t namamatay sila nang wala pa sa panahon. At ang mga ibang homoseksuwal ay nagsabi na sila’y magpapatuloy sa pakikipagtalik sa maramihang mga kapareha kahit na sila dapuan ng AIDS.​—Kawikaan 10:21, 23.

Kung gayon, ano nga ang wastong makapipigil sa gawang masama? Tiyak iyan, ang magaling na pagkatakot at paggalang kay Jehova, na ipinakikita sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniyang mga batas sa moralidad. “Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng kaalaman.” Ang uri ng kaalamang ito ang lumilikha ng karunungan na tunay na “nag-iingat na buháy sa mga mayroon niyaon.”​—Kawikaan 1:7; Eclesiastes 7:12.

Sa pagkakita ng editor na ang AIDS ay maaaring mapasalin sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo, siya’y nagtanong din ng makabuluhang tanong: “Hindi baga isang kabalighuan [iyon] na tayong hayagang humahatol sa mga Saksi ni Jehova sa pagtanggi sa pagsasalin ng dugo . . . ay marahil ngayon iyon ding bagay na iyon ang ginagawa sa mga ibang kadahilanan?”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share