Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 1/1 p. 15
  • Patuloy ang Pag-uusig sa Burundi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Patuloy ang Pag-uusig sa Burundi
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 1/1 p. 15

Patuloy ang Pag-uusig sa Burundi

MAAGA noong 1989, ang mga pinuno ng bansang Burundi sa Sentral Aprika ay nagpabaha ng sunud-sunod na pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova. Gaya ng iniulat sa labas ng Ang Bantayan noong Agosto 15, 1989, ang mga maykapangyarihan ay nagsikap na puwersahin ang mga Saksi na itakwil ang kanilang pananampalataya, anupa’t ginamitan sila ng pananakot, mga pag-aresto, panggugulpi, at iba pang mararahas na hakbang. Ano baga ang kalagayan magbuhat na noon?

Isa pang report na nanggaling sa Burundi ang nagsasabi na noong dumalaw sa Kinyinya at Gitega ang tagapangasiwa ng distrito, ang mga maykapangyarihan ay nagsikap na arestuhin ang mga miyembro ng kongregasyon sa isang pulong. Nagawa ng mga tagapangasiwa ng distrito at ng sirkito na sila’y makatakas, subalit sa mga inaresto ay kabilang ang dalawang mag-aarál sa high school at isang batang babae na nasa paaralang primarya. Lahat sila ay pinaggugulpi. Kinabukasan ang mga Saksi na inaresto ay humarap sa gobernador at ipinaliwanag kung bakit sila hindi maaaring magmiyembro sa partido pulitika. Sila’y ginulpi uli. Ang mga ibang ulat ay nagbabalita ng nahahawig na mga pangyayari.

Isang responsableng Kristiyanong matanda sa Burundi ang sumulat: “Walang Saksi ni Jehova ang naaresto dahil sa pagnanakaw o pagpatay ng tao, o paghihimagsik. Kung ang mga maykapangyarihan ay may tunay na dahilan upang parusahan ang mga Saksi, hayaang gawin nila iyon nang lantaran sa hukuman sa halip na pahirapan ang mapayapang mga mamamayan, na sinasamsam ang kanilang mga ari-arian, at sila’y tinutugis na parang maiilap na hayop. Maraming kapatid sa interyor ang napilitang lisanin ang kani-kanilang mga tahanan at mamuhay na parang mga takas sa batas. Isang sister na ang asawa’y nakabilanggo ang lumapit sa marami sa mga maykapangyarihan sa pagsisikap na ang kaniyang asawa’y mapalaya. Siya’y ipinagtabuyan ng lahat na ang sagot sa kaniya: ‘Hindi namin kailanman mapalalaya ang iyong asawa habang ikaw ay tumatanggap ng salapi buhat sa ibayong dagat upang lumaban sa pamahalaan ng ating bansa.’ Anong laking pamumusong!”

Gayunman, may mabuting balita na nanggaling sa Burundi. Ang mga Saksi roon ay hindi nasindak o nahintakutan. Buong pag-iingat ngunit may kasiguruhan na ang pangangaral ng mabuting balita ay lumalawak, at ang mga kapatid, mga lalaki at mga babae, ay naniniwala na taglay ang buong pagtitiwala kay Jehova, sila ay makapagtitiis. Maraming liham na nagpapahayag ng pagkagalit ang naisulat na sa Burundi, at walang alinlangan na marami pa ang susunod pagka natalos ng daigdig na ang Burundi ay nagpapatuloy sa kaniyang walang-awang kampanya ng pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova.

[Kahon sa pahina 15]

Ang direksiyon ng pangulo ng Burundi ay:

His Excellency Major Pierre Buyoya

President of the Republic of Burundi

Bujumbura

REPUBLIC OF BURUNDI

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share