Isang Okasyon na Hindi Mo Dapat Kaligtaan
“Patuloy na gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.” Ang mga salitang iyan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na nasa Lucas 22:19, ay sinalita noong panahong iyon nang kaniyang itatag ang pag-aalaala sa kaniyang kamatayan. Ang kamatayan ni Jesus ang nagbukas sa sangkatauhan ng pag-asang magtamo ng walang-hanggang buhay sa ilalim ng mga kalagayang malaparaiso. Kaya ang kaniyang kamatayan ay isang bagay na kailangan nating alalahanin.
Iyo bang aalalahanin iyon sa taóng ito?
Pakisuyong tanggapin ang imbitasyong ito buhat sa mga Saksi ni Jehova na makisama sa kanila sa pag-aalaala sa mahalagang okasyong ito. Ito’y gaganapin pagkalubog ng araw sa petsang katumbas ng Nisan 14 sa kalendaryong lunar sa Bibliya. Markahan ang petsang iyan sa inyong kalendaryo upang huwag malimutan. Ito ay Abril 10, 1990. Ang mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang makapagsasabi sa inyo ng lugar na pagdarausan at ng eksaktong oras ng pagganap nito sa inyong komunidad.