Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 6/15 p. 32
  • “Musika na Nagpapaginhawa”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Musika na Nagpapaginhawa”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 6/15 p. 32

“Musika na Nagpapaginhawa”

Isang babaing taga-Espanya ang sumulat sa sangay ng Samahang Watch Tower sa Alemanya: “Ganiyan na lang po ang aking pasasalamat kaya ako’y sumulat upang ibalita sa inyo ang tungkol dito.” Bakit ganiyan na lang ang kaniyang pasasalamat?

“Mga siyam na taon na po akong naninirahan sa Espanya,” ang paliwanag niya, “at isa at kalahating taon na ngayon ang lumipas, dalawa sa inyong mga kabataan ang nagsimulang nakipag-aral sa akin ng Bibliya. Nang mabasa ko sa Ang Bantayan ang isang artikulo tungkol sa musika na nagpapaginhawa, hiniling ko sa kanila na ako’y ikuha ng gayong mga cassette.

“Makalipas ang ilang panahon, palibhasa’y nalulungkot ako at nakararamdam ng bahagyang kirot, ako’y nagpatugtog ng musika. Anong laking pagkakaiba! Sa loob lamang ng sandaling panahon, ang sakit ng aking damdamin ay napawi, at malaki ang igininhawa ng aking kalooban. Siyang-siya ako sa mga cassette na ito sa musika! Magbuhat na noon, malimit na ako’y nakikinig sa mga ito sa mga gabing hindi ako makatulog. Talagang musika ito na nagpapaginhawa.”

Marami ang tinubuan ng pagpapahalaga sa album na Sing Praises to Jehovah (sa Ingles), na mayroong walong cassette ng musika sa piano. Kung ikaw ay interesado na magkaroon ng album na ito, sulatan mo at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba.

Ito’y bahagi ng pandaigdig na pagtuturo sa Bibliya na suportado ng kusang abuloy.

Nais ko pong tumanggap ng album na Sing Praises to Jehovah (sa Ingles), kasama ang walong cassette tape sa musika. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share