Kaaliwan sa Panahon ng Pangangailangan
Ang sumusunod na liham ay tinanggap buhat sa isang lalaking taga-Baltimore, Maryland, E.U.A.: “Pakisuyong padalhan po ako ng may ilustrasyong 192-pahinang pinabalatang aklat na Ganito na Lamang ba ang Buhay? Nais ko pong magkaroon ng dalawang kopya nito, isa para sa aking kaibigan. Nakita ko po ang alok sa isang maliit na pulyetong pinamagatang Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? na ibinigay sa akin sa pintuan namin. Namatayan ako ng isang mahal sa buhay na napamahal sa akin nang may 35 taon, at ang mga salita sa pulyeto ay totoong kawili-wili at nakaaaliw kung kaya’t ayaw kong masira iyon, ngunit magkakagayon kung ito’y gugupitin sa may lugar ng pangalan at direksiyon. Salamat po sa lahat ng inyong pag-aabala. Mula ngayon ay pipilitin kong basahin ang lahat ng literaturang nililimbag ninyo.”
Nakatutuwa, mayroon palang pag-asa ang nangamatay na mahal natin sa buhay. Tanggapin ninyo ang nakagagalak na patotoo sa aklat na Ganito na Lamang ba ang Buhay? gayundin sa tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? Sulatan po lamang at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Nais ko pong tumanggap ng pinabalatang 192-pahinang aklat na Ganito na Lamang ba ang Buhay? at ng tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)