Mga Kuwento sa Bibliya na Nakaaakit sa mga Bata
Isang miyembro ng isang kongregasyong Protestante sa Puerto Rico ang sumulat sa Watch Tower Society: “Ako po ay isang tagapagturo ng Bibliya sa mga bata sa isang paaralan. Noong nakaraang taon, ganito ang nangyari sa akin.
“Ang mga aklat na aking ginagamit sa pagtuturo sa mga bata ng kasaysayan ng Bibliya ay tapos na, kaya nagtanong ako sa aking sarili: ‘Ano ang gagawin ko ngayon?’ Sa pagtingin ko sa mga estante sa aking kuwarto na kung saan mayroon akong mga isandaang aklat, nakakita ako ng isang aklat na dilaw na pinamagatang Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ipinasiya kong gamitin ang aklat na ito.
“Pinunasan ko ang alikabok at sinimulan kong gamitin iyon tuwing Linggo sa aking pagtuturo. Ang mga bata ay galak na galak sa aklat, at kami’y halos hindi pa nakatatapos ng isang kabanata nang ibig nila na magsimula na naman sa isa pa. Ang resulta: Natapos ang isang taon, at aming napag-aralan ang buong aklat. Tuwang-tuwa ang mga bata, at ako naman ay napasasalamat na mabuti. Ito’y tunay na isang magandang aklat, malinaw at tiyak ang sinasabi.”
Inaakala namin na kayo man ay magpapahalaga rito sa maganda ang mga larawan, malalaki-letrang publikasyong ito. Sa kaniyang 116 na pag-uulat sa Bibliya ang mambabasa ay bibigyan ng ideya kung ano ang sinasabi ng Bibliya. Ang mga kuwentong ito ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Inyong masusumpungan na talagang nakatutulong ito ng pagkaalam kung kailan, kaugnay ng iba pang mga pangyayari, nangyari ang mga bagay-bagay. Kung ibig ninyong malaman kung papaano tatanggap nitong mahalagang 256-pahinang aklat na ito, pakisuyong sulatan at ihulog sa koreo ang kasamang kupon.
Nais ko pong tumanggap ng pinabalatang aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)