Gaano Kahalaga ang Hitsura?
“Ako’y nadismaya sa aking hitsura,” ang isinulat ng isang kabataang babae na taga-Beaver Falls, Pennsylvania ng E.U.A. “Naisip ko na ako’y pangit at di-kaakit-akit.” Ganito ang kaniyang paliwanag: “Halos hindi ako kumakain ng anuman sa loob ng ilang araw, at mga dalawang libra ang nawala sa akin, pero gutum na gutom ako sa hindi pagkain na anupa’t nagpapakabusog ako kinabukasan at bumabalik ang dating timbang ko.”
Nang malaunan, sa isang kombensiyon ng mga Kristiyano, sinabi niya: “Humarap ako sa salamin at ang sabi ko sa isang kaibigan, ‘Pangit na pangit ako!’
“Tinanong ako ng mahal kong kaibigang ito kung nabasa ko ang seksiyong ‘Isang Pagsusuri sa Iyong Hitsura’ sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Hindi, ang sabi ko sa kaniya. Sinabi niya sa akin, ‘Mahal ko, kailangang umuwi ka ngayong gabi at basahin mo iyon.’ At gayung-gayon ang ginawa ko.
“Naisip ko na para bang binabasa ko ang aking sariling talambuhay. Pagkatapos ako ay napaharap sa isang tanong na umakay sa akin na mag-isip, ‘Sino ba ang nagtataguyod ng ideya na ikaw ay nangangailangan ng isang anyo ng hitsura kung nais mong maging popular, matagumpay, o maligaya?’ ”
Ang sagot sa tanong, sabi ng kabataang ito, ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kaniyang buhay. Ang kaniyang konklusyon ay: “Sa pamamagitan ng nakatutulong na mga mungkahi sa aklat na Mga Tanong ng mga Kabataan, nakita kong kailangan na ituwid ang aking ideya ng kung ano ang dapat unahin.”
Ang mga kabataan ay napapaharap sa maraming kagipitan ngayon. Sila’y nangangailangan ng tulong upang mapagtagumpayan nila ang mga iyan. Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas ang nagbibigay ng ganitong tulong. Para sa impormasyon sa kung papaano tatanggap ka ng kaakit-akit na aklat na ito na may mga larawan, ang kupon ay punan at ihulog sa koreo.
Nais ko pong tumanggap ng 320-pahinang pinabalatang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)