Angaw-angaw ang Pupunta. Ikaw?
Pupunta saan? Sa taunang pag-aalaala sa kamatayan ni Jesu-Kristo. Noong 1990 sa buong daigdig ay may kabuuang bilang na 9,950,058 na dumalo. Bakit ba pumupunta ang mga tao? Dahilan sa kahulugan sa sangkatauhan ng kamatayan ni Kristo. Iyon ay nangangahulugan na malapit nang pawiin ang sakit, ang paghihirap, at ang kamatayan. Maging ang mga nangamatay na mahal sa buhay ay bubuhaying muli sa buhay sa lupa na naibalik na sa Paraiso. Papaanong ang kamatayan ni Jesus ay makapagdudulot ng gayong mga pagpapala? Kayo’y inaanyayahan na alamin ito. Ang mga Saksi ni Jehova ay nag-aanyaya sa inyo na makisama sa kanila sa pagdiriwang ng mahalagang okasyong ito. Dumalo kayo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa inyong tahanan. Sa taóng ito ang petsa ay Sabado, Marso 30, pagkalubog ng araw. Makipag-alam kayo sa mga Saksi sa inyong lugar para sa eksaktong oras.