“Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos”
“Ang aklat na ito ay totoong interesante at kawili-wiling basahin na anupa’t hindi ko maihinto,” ang isinulat ng isang mambabasa na taga-Houston, Texas, E.U.A.. Kaniyang sinabi na sa kaniyang lugar may mga tao na kabilang sa lahat ng relihiyon na tinalakay sa aklat, subalit kaniyang inamin: “Hindi ko naiintindihan ang kanilang pangunahing mga paniwala at kung papaanong aakayin sila sa Bibliya para sa mga kasagutan. Ang aklat na ito ay isang kasagutan sa aking mga panalangin.”
Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos ay may lubusang sinaliksik, ganap na pagtalakay sa mga relihiyon gaya ng Hinduismo, Buddhismo, Taoismo, Confucianismo, Shinto, Islam, at Judaismo. Ang mambabasa na taga-Texas ay may ganitong puna: “Sa aklat na ito ay tinatalakay ang mga paniwala ng ibang tao sa isang paraang makatuwiran at kagalang-galang, samantalang hinihimok sila na magpatuloy sa kanilang paghahanap sa tunay na Diyos, si Jehova. At ang mga salita’y ginagamit sa isang paraang napakapersonal, halos parang ang isa’y katabi mo lamang na nakikipag-usap sa iyo.”
Natitiyak namin na ang 384-na-pahinang aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos ay sasagot sa marami sa inyong mga katanungan. Para sa impormasyon kung papaano tatanggap ng isang kopya, punan at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba sa direksiyon na nakaulat sa ibaba.
Nais ko pong padalhan ninyo ako ng 384-na-pahinang may mga larawang aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)
[Mga larawan sa pahina 32]
Sangkakristiyanuhan
Islam
Hinduismo
Confucianismo—Taoismo—Buddhismo
Buddhismo
Shinto
Judaismo
Mga Relihiyon ng mga Tribo