Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
Ang pagsasalin ng dugo ay lubhang pinuri bilang isang ligtas, nagliligtas-buhay na paraan. Ngunit si Dr. Alan A. Waldman ay may ganitong paliwanag: “[Ang] dati’y mahinahong pagkakilala sa pagiging ligtas ng mga produkto ng dugo ay dagling nagbago sa pagkatuklas sa AIDS na iniuugnay sa pagsasalin.”
Subalit hindi ang AIDS ang tanging panganib. “Marami pang mga ibang pangyayari na dahilan ng paniniwala na may di-kilala at di-mapipigil na mga panganib sa paggamit ng donasyong dugo,” ang sabi ni Dr. Waldman. “Ngayon, maging ang mga bagay man na dating itinuturing na lutas na—halimbawa, ang pagkaepektibo ng pagsubok sa mga nagdadala ng virus ng hepatitis B—ay nalagay sa alinlangan.”—Diagnostics & Clinical Testing, Hulyo 1989.
Oo, ang dugo ay isang mapanganib na sustansiya. Sa kabila nito, ang dugo ay mahalaga sa pagliligtas ng buhay. Papaano maililigtas ng dugo ang inyong buhay? Makikinabang kayo sa pagsusuri sa tanong na ito sa 32-pahinang brosyur na Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
Kung nais ninyong magkaroon ng isang kopya, pakipunan lamang at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Ibig ko pong magkaroon ng 32-pahinang brosyur ng Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay? (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)