“Magaling sa Dilang Magaling”
Ganiyan ang sabi ng isang propesor sa Ingles sa isang kolehiyo sa Georgia, E.U.A., tungkol sa magasing Gumising! Sumulat siya kamakailan:
“Ginagamit ko ang mga magasing Gumising! sa aking mga kurso sa komposisyon sa kolehiyo noong nakalipas na pitong taon, at masasabi ko, ang inyong mga manunulat ay magaling sa dilang magaling. Ang pumupukaw-interes na mga pambungad at malilinaw na mga detalyeng taglay ng marami sa mga artikulo ay ekselenteng mga halimbawa para sa mga manunulat na nagpapasimula, nasa kalagitnaan na, at masulong na.
“Ang mga artikulo sa Gumising! ay hindi lamang kasiya-siya at nagtuturo kundi may pinakamataas na uri kung sa gramatika. Ginagamit ko ang mga iyan upang ituro ang tumpak na paggamit ng bantas, idiomatikong mga pananalita, makasagisag na wika, at istilo ng pagkasulat. Ang mambabasa ay nagkakaroon ng pagkakataon na matuto ng mga bagong salita na tunay ngang isang hamon, gayunma’y nakagiginhawa, na pagbabago buhat sa karaniwang magasin ng balita. Ang tagumpay ng Gumising! ay patotoo ng puspusang pagsisikap at atensiyon na ibinubuhos sa paggawa ng bawat labas.”
Kung nais mo ng impormasyon kung papaano tatanggap ng Gumising!, pakisuyong punan lamang at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Nais ko pong malaman kung papaano ako mapadadalhan sa aking tahanan ng magasing Gumising! (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)