Ang Kanilang Paniniwala sa Ebolusyon ay Natigatig
Isang lalaking taga-Milwaukee, Wisconsin, E.U.A., ang sumulat noong nakaraang taon upang magpasalamat “ukol sa kahanga-hangang tulong na inilaan sa aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?” Ganito ang kaniyang paliwanag:
“Mga dalawang taon na ngayon ang lumipas, nakilala ko ang isang kabataang mag-asawa na taga-Beijing, Tsina, na nag-aaral sa isang kolehiyo ng medisina rito sa Milwaukee. Sila ay mga biokimiko, at hindi nila inilihim ang kanilang taimtim na paniniwala sa ebolusyon.
“Hindi ko kayang makipag-usap sa kanila tungkol sa siyensiya, kaya hinayaan ko na lamang na ang aklat ang magturo. Habang kami’y nagpapatuloy sa aming pag-aaral, nakikita ko na ang kanilang pagtitiwala sa ebolusyon ay nagsimulang matigatig.
Ang pag-aaral sa buong aklat ay natapos, at ang lalaking taga-Milwaukee ay nagtapos: “Ang Bibliya ay nagbigay sa kanila ng tunay na pagkukunan ng impormasyon. Salamat muli sa kahanga-hangang tulong na iyan.”
Kung ibig mo ng impormasyon kung papaano makatatanggap nitong maganda ang mga larawang aklat na ito na may 256 pahina, pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Ibig ko pong malaman kung papaano makatatanggap ng aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)
[Mga larawan sa pahina 32]
Isang disenyador ang kailangan dito sa arrowhead
Ang isang DNA molecule ba ay hindi nangangailangan ng disenyador?