Tatanggapin Mo ba ang Isang Dumadalaw?
Noong nakaraang taon isang babae sa Corpus Christi, Texas, E.U.A., ang sumulat sa Watchtower Society sa Brooklyn, New York, na nagsasabi: “Ang pangalan ko po ay Emily, at pinag-aaralan ko ang literatura na ibinigay sa akin ng mga Saksi ni Jehova ilang linggo na ang nakaraan. Pagkatapos basahin ang mga magasin at ihambing sa aking Bibliyang pampamilya, nakita ko na waring hindi itinuturo ng Iglesiya Katolika Romana ang nasa Banal na Bibliya. Hindi nila binabanggit ang pangalan ng Diyos o ang darating na Kaharian ng Diyos, na natuklasan ko na siyang mga pangunahing paksa sa aking Bibliya. Huminto na po ako ng pagsisimba sa pinagsisimbahan ng aking pamilya at nagsimula na akong mag-aral ng Bibliya, salamat na lamang sa inyong makatotohanang mga babasahin.
“Nais ko pong magsimula nang makisama sa isang lokal na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova. Pakisuyong padalhan po sila ng kalatas upang pumarito sa aking tahanan para kami magkausap.”
Isa sa mga Saksi ni Jehova ay malulugod din na dumalaw sa inyo at tulungan kayo na palawakin pa ang inyong kaalaman tungkol sa Diyos, sa kaniyang Kaharian, at sa kaniyang mga layunin, na nasusulat sa Bibliya. Upang makinabang kayo sa paglilingkod na ito, punan lamang ang impormasyon na hinihiling sa ibaba at ihulog ito sa direksiyon na nasa kupon.
Nais ko pong makaalam pa nang higit tungkol sa Bibliya. Pakisuyong isaayos na may dumalaw sa akin.