Ang Gumising! Tumutulong Upang Makapanalo ng Premyo sa Italya
Noong nakaraang taon isang diyes-anyos na batang babae sa Italya ang sumulat ng isang sanaysay sa paaralan tungkol sa temang “Kung Makapangungusap ang Lupa.” Ang tema ay binuo bilang usapan ng lupa at ng isang sanggol na nagtanong sa lupa kung bakit ito umiiyak. Ganito ang paliwanag ng batang nag-aaral:
“Sinabi ng lupa na ito’y nadumhan ng usok na lumikha ng isang greenhouse effect. Ang lupa ay nagpatuloy ng pakikipag-usap sa sanggol at sinabi na kaylapit-lapit nang magbago ang mga bagay at ang kinabukasan nito ay lalong mainam, sa kabila ng ginagawa ng tao. Ang pag-asa ng lupa ay nasa sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, na Maylikha nito, na hindi nilalang ang lupa ukol sa walang kabuluhan kundi para ito’y tahanan.—Isaias 45:18.”
Ganito ang paliwanag ng batang nag-aaral: “Kinuha ko ang impormasyon buhat sa mga magasing Gumising! ng Hulyo 22, 1989; Setyembre 8, 1989; at Setyembre 22, 1989. Dahilan sa mga magasing ito, ang aking tema ang nanalo ng unang premyo. Ang nanalo ng ikalawang premyo ay isa sa aking kaklase na ang ina ay nasa ruta ng magasin ng aking ina. Siya ay kumuha rin ng impormasyon sa ganoon ding mga magasing Gumising!
“Salamat po sa mabuti at wasto at gayundin simpleng impormasyong ito na nagpapatalino sa atin. Ang premyo na pinanalunan ko ay may halagang 100,000 lira [mga $100, U.S.], at ang halagang ito ay aking ipadadala upang gamitin sa pag-imprenta ng higit pang mga magasin.”
Inaakala namin na anuman ang inyong kinaaanibang relihiyon, kayo man ay makikinabang sa kaakit-akit na mga artikulo sa Gumising!
Nais ko pong malaman kung papaano makatatanggap sa aking tahanan ng magasing Gumising! (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)