“Iyon ang Gumising sa Akin”
Iyan ang sabi ng isang babae na taga-Washington State, E.U.A., tungkol sa aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Ito ang kaniyang paliwanag:
“May apat na taon din na isa sa mga Saksi ni Jehova ang regular na nagpupunta sa amin at nag-iiwan ng mga magasing Bantayan at Gumising! Ako’y hinimok niyang mag-aral. At sa wakas ay nahimok niya akong magbasa ng aklat na Creation, at iyan nga. Hinimok niya akong manalangin at iyan nga. Ang aklat na ito ang humawi ng lahat kong pag-aalinlangan, at ang panalangin ang naghatid sa akin ng tulong na galing kay Jehova. . . .
“Alam ko na ngayon na talagang umiiral ang Diyos. Alam ko ang kaniyang pangalan, na Jehova. Alam ko na siya’y nakikinig sa mga panalangin. Alam ko kung bakit ganito ang lakad ng mga bagay-bagay. Ako’y may kapayapaan, ang aking kapayapaan ay patuloy na nadaragdagan bawa’t linggo habang ako’y natututo nang higit at higit.”
Ang magandang aklat na ito, na may tumpak na paglalarawan sa sansinukob at lahat ng masalimuot na mga detalye kung kaya umiiral ang buhay sa lupa ay makabibighani sa inyo. Para sa impormasyon kung papaano kayo makatanggap ng isang kopya ay maaari ninyong punan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Ibig ko pong malaman kung papaano makatatanggap ng aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)
[Larawan sa pahina 32]
Anang mga ebolusyonista: “Hindi naman mahirap gunigunihin na malasin ang isang balahibo ng ibon bilang isang nagbagong kaliskis [ng sawa].” Kabaligtaran niyan ang katotohanan
Bara
Sima
Barbules
Barbicels