‘Ang Aklat ay Patuloy na Nawawala’
Iyan ang sabi ng isang high-school titser sa timugang California, E.U.A., tungkol sa aklat na Ang Mga Tanong Ng Mga Kabataan—Mga Sagot Na Lumulutas. Nagsaayos ang paaralan ng isang araw-araw na oras ng pagbabasa na mababasa ng mga estudyante ang anumang ibig nila. Siya’y naglabas ng literatura, kasali na ang Mga Tanong Ng Mga Kabataan na aklat, para sa mga estudyanteng walang dalang mababasa.
“Ang aklat ay naging pinakapopular sa klase,” ang paliwanag niya. “Ito’y nawawala ng mga ilang oras, o hanggang sa isang araw o dalawa, at saka bumabalik. Tinatanong ng mga estudyante ang kanilang mga kaibigan, ‘Nabasa mo ba ito?’ o nagkukomento, ‘Iyan ay isang mabuting aklat.’ Pagkatapos na maitawag-pansin ang mga bagay sa kanilang mga kaibigan, sila’y bumabalik at patuloy na nagbabasa.
“Ang mga pahina ay nasisira na sa kabubuklat at mahahalata na ang aklat ay gastado na. Ang pinakamaraming bumabasa ay ang kabanata 23, na ‘Tama Kaya ang Pagsisiping Muna Bago ang Kasal?’ Nagugustuhan ng mga estudyante ang mga larawan, at iniuugnay nila sa kanilang sarili ang sinasabi ng mga kapsiyon. Nakita ko na isang estudyante ang nagbabasa ng kabanatang ‘Bakit Naghiwalay si Itay at si Inay?’
“Pagkaraan ng sandali ang unang aklat ay nawala, kaya naglabas na naman ako ng isa. Pagkatapos ay bumalik ang una, kaya ngayon ay mayroong dalawa. Tatlo o apat na buwan ang nakalipas magbuhat nang ilabas ko ang unang aklat, at ang mga ito ay binabasa pa rin.”
Ang ibang mga kabanata sa 39 na nasa aklat ay “Papaano Ako Magkakaroon ng Tunay na mga Kaibigan?” “Gaano Kahalaga ang Hitsura?” at “Papaano Ko Malalaman Kung Ito nga’y Tunay na Pag-ibig?” Kung nais mong malaman kung papaano makatatanggap ng isang kopya ng aklat na ito na may magagandang larawan, pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kupon.
Ibig ko pong malaman kung papaano makatatanggap ng aklat na Ang Mga Tanong Ng Mga Kabataan—Mga Sagot Na Lumulutas. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)