‘Isang Tunay na Mosaik’
Ganiyan ang pagkasabi ng isang mambabasang taga-Argentina tungkol sa kamakailang kalalathalang aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. “Ito’y may sarisaring porma at elemento, tulad ng mosaik,” ang isinulat niya. “Kung papaanong ang isang mosaik ay isang trabahong kinalupkupan ng sarisaring elemento, ang aklat na ito ay may sarisaring paksa at paliwanag tungkol sa relihiyon na anupa’t namamangha ang mambabasa.”
“Sa pangkalahatan, ang mga tagapagmasid na taga-Kanluran ay lubusang walang alam sa Silanganing mga paniniwala at sa kanilang mga pinagmulan.” Gayunman, gaya ng napansin ng nagpapahalagang mambabasang ito, ang aklat na ito ay nagpapaliwanag “mula sa Hinduismo tungo sa Zionismo, tungo naman sa Buddhismo at sa mga sekta ng Sangkakristiyanuhan, at sa di-mabilang na iba pang mga ideyang relihiyoso. Ito ay isang mosaik ng pagtulong,” ang paliwanag niya, “para sa sinuman na nagsusuri tungkol sa mga relihiyon.”
Karamihan ng tao ay walang alam kundi ang relihiyon ng kanilang mga magulang at kadalasan pa nga ay pahapyaw lamang ang alam nila. Subalit doon ka na lamang ba sa relihiyong kinalakhan mo o dapat ka bang gumawa ng matalinong pagpili pagkatapos na ang iyong relihiyon ay ihambing mo sa relihiyon naman ng iba? Ang 384-pahinang aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos ay tutulong sa iyo upang gumawa ng paghahambing na ito. Baka ito ay umakay rin sa iyo na maging lalong malapít sa tunay na Diyos.
Nais ko pong malaman kung papaano makatatanggap ng 384-pahina, may de-kolor na mga larawang aklat-aralin na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)