“Mga Saksi ba ni Jehova?”
ANG tanong sa itaas ay napalathala bilang isang titulo sa wikang Pinlandes na Bulletin of the University of Helsinki. Sa ilalim ng titulo ay may isang liham na isinulat ni Propesor Jorma Palo, at ang sabi sa isang bahagi: “Matamang pinagmasdan ko ang tatak ng ating pamantasan na nakalarawan sa pabalat ng Bulletin. Sa gitna ng gawing itaas, nakasumpong ako ng isang tekstong Hebreo na ang kahulugan ay itinanong ko sa isang Judiong panauhin namin. Sang-ayon sa iskolar na ito, na may kaalaman sa Hebreo, ang salitang ito ay ‘Jehova,’ sa Pinlandes.”
Ang pagkanaroroon ng personal na pangalan ng Diyos sa tatak ng pamantasang Pinlandes na ito ay pinagtakhan ng iba. Datapuwat, ang totoo, ang pamantasan ay 350 taon na ang edad, at nang ito’y itatag, ang pangalang Jehova ay kilalang-kilala at ginagamit sa buong Europa. Ang pangalan ay lumilitaw sa di-mabilang na mga gusaling publiko, mga barya, at mga tatak na magbuhat pa nang petsang iyan.—Tingnan ang brosyur na Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman.
Sa ating siglo, hindi na ginagamit ng Sangkakristiyanuhan ang pangalan ng Diyos, at ang maagang interes dito ay nalimot na ng karamihan. Iisang grupo na lamang ang gumagamit sa banal na pangalan sa pagsamba at naghahayag nito, kasuwato ng unang kahilingan sa Panalangin ng Panginoon: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan.” (Mateo 6:9) Iyan ang dahilan, nang ang pangalan ay makilala sa tatak ng pamantasan, agad naisip ng mga tao ang mga Saksi ni Jehova.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Yliopisto